PAGKARATING namin sa Paris ay maraming mga kalalakihan ang sumundo sa amin sa airport at naka-convoy lang ang mga sasakyan ng mga ito sa sasakyang sakay namin hanggang sa makarating kami sa hotel na tutuluyan nila. "Are you tired?" tanong ni Mr. X nang makita niyang sinapo ko ang noo ko. Medyo nahihilo ako dahil na rin sa mahabang byahe. "I'm fine." maikli kong sagot. Kinuha ni Mr. X ang cellphone niya mula sa bulsa ng kaniyang black slack at tinawagan si Monti na kasama rin nila rito sa Paris. "Order a food for us." Nilingon niya ako. "What do you want to eat?" "Kahit ano," tanging sagit ko lang sa kaniya. "I want Croissants, onion soup and clover grill. Order for two," sabi nito kay Monti kuway pinatay na nito ang tawag. "I'll just take a shower first, habang wala pa 'yung pagkai