v.

1941 Words
Oliva… Para saan ba ang isang mataas na marka? ‘Yung iba para lang maging sikat sa klase. ‘Yung iba ay para maging proud sila sa mga magulang nila. ‘Yung iba naman ay para may maipagmamalaki sila sa sarili nila. Pero ako, mas higit pa diyan sa mga gusto nila dahil iisa lang ang pangarap kong makuha, ang aking kalayaan. Sinulyapan ko si Gng. Flores na nagsusulat ng notes niya sa blackboard. Ganito talaga kapag public school, hindi pa kagandahan ang facilities, overcrowded na ang section, at pati mga libro ay kulang na kulang sa bawat isa. Hindi naman sa nagrereklamo ako bilang estudyante pero gusto ko lang sabihin ang mga na-ooserbahan ko. Tiningnan ko si Jared na hindi naman kalayuan sa pwesto ko. Para siyang naliligaw sa klase. Masyado kasi siyang kakaiba sa ‘min. Halatang hindi anak-mahirap. Mamahalin ang itim na bag, pati ballpen ay mamahalin din. Pati yata tela ng polo niya ay mahal ipinatahi. Gusto kong magtanong kung bakit siya n’andito sa eskwelahan na ‘to eh kayang kaya naman niya mag-enroll sa mga mamahaling private schools. Ang kaso, lagi akong nauunahan ng takot. Hindi ako palakaibigan sa lahat at mas lalo ng hindi ako feeling-close sa mga lalaki na kagaya niya. Sa totoo lang, wala naman akong maipintas kay Jared. Ito na yata ang lalaking halos perpekto na sa lahat. Mayaman, gwapo, matalino, at mabait. Hindi siya katulad ng iba na hindi makisama sa lahat. Naiiba siya. Sana…hindi ka na lang mayaman Jared. Bigla ko lang naramdaman ang isang panlalamig sa batok. Napalingon ako sa likuran at nakita ko ang dalawang piraso ng mga matang nakatingin sa ‘kin. Ito’y walang iba kung ‘di ang pinakamataray sa buong na si Levia. Lagot. Nahuli na naman niya akong nakatingin kay Jared. Tahimik lang siya pero nakataas na ang kanyang kilay. Parang sinabi sa ‘kin na, wala akong karapatang tingnan si Jared. Agad akong tumingin sa blackboard at kunwari’y nagsusulat kuno ng notes. Hindi ko din alam kung magkaanu-ano sina Jared at Levia. Madalas kasi, lagi ko silang nakikitang magkasabay na pumasok sa eskwelahan pero pagdating naman ng gate, ay kanya-kanya na sila ng lakad na akala ng lahat ay hindi sila magkakilala. Kahit dito sa klase ay hindi naman sila nag-uuusap. Basta ang alam ko lang, magkakilala sila higit pa sa isang magkaklase. “Ma’am, may I go out?” paalam ko kay Gng. Flores na sobrang busy talaga sa pagsusulat sa blackboard. Gusto ko sanang sabihin na, ipa-photocopy na lamang niya ang libro at bahala na ang mga estudyanteng magbayad ng piso kada papel, pero saka na lang. Ayokong pangunahan siya at mas lalong ayokong masabihan ng lahat na ‘teacher’s pet’. “Yes you may.” Agad akong tumayo at lumabas papuntang banyo. Habang nasa loob ako ng isang cubicle, narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng banyo. May pumasok sa loob at hindi niya alam kung sino. “Alam niyo ba ang balita?” tanong ng babae na kasama niya. Tantiya ko, pareho silang nakatayo kaharap sa isang malaking salamin sa tagiliran ng cubicle na ‘to. “Ang galing mo talaga, Yani! Una ka na naman sa tsismis! Oh ano?” “Sira ka talaga. Siyempre ako pa,” sabi nito habang tumatawa na rin. “Narinig ko kasing magkausap sina Yosef at ‘yung mukhang alalay niyang kaibigan na si Nato.” “Talaga? Ano naman ang kataka-taka d’un eh lagi naman talaga silang nag-uusap ah—“ “Sira! Patapusin mo muna kasi ako.” “Okay. Fine.” “Mukhang may natitipuhanan na si Yosef na babae. My god! Akala ko talaga na bakla ang isang ‘yun dahil nga wala namang nalilink sa kanya na babae ever since. Pero narinig ko talaga kanina sa canteen na bibili si Yosef ng bulaklak mamaya daw para sa date niya.” “Oh my god! Is this for real? Ang baby Yosef ko, may babae na? Tingin mo, ako kaya ‘yun?” “Asa ka pa, friend.” Sabay silang tumatawa. “But picture this, that girl’s life will be miserable. Hindi niya yata alam na may fan’s club si Yosef sa eskwelahan na ‘to. Hindi nga lang halata kasi ayaw niya. Pero whoever that b***h is, her life will be so damn over. Wala dapat makakalapit kay Yosef. Wala.” “Friend, gusto mo tubig? Para mahismasmasan ka? Ang OA mo na kasi eh.” “Urgh! Eh kung ikaw kaya ang ang buhusan ko ng tubig dito? Halika na nga.” Pailing-iling akong lumabas ng cubicle nang mapansin kong wala na ‘yung mga tsismosa. Totoo ba talaga ‘yung narinig ko ngayon lang? May fans club ang isang ‘yun? Hanep! May gan’un din pala ‘yun? Kung si Jared ay lantaran ang fan’s club, ‘yung kanya ano? Underground? Napangiwi ako sa salamin sa iniisip ko. Inayos ko muna ang aking buhok sabay lumabas na ng C.R.. Umakyat na ako ng hagdanan at nag-pretend na wala akong narinig kanina. Mabilis lumipas ang mga oras hanggang sa hindi ko na lamang namalayan na uwian na pala. Una kong napansin na tila parehong nagmamadaling lumabas sina Nato, Jared, at Yosef pero kanya-kanya namang direksiyon sa paglakad. Sina Nato at Yosef ay naglalakad papuntang groundfloor habang lumiko naman si Jared papuntang office. Hindi ko lang alam kung anong office ang pinuntahan. Kaya agad kong hinablot ang bag ko habang nagmamadaling pumunta sa direksiyon ni Jared na para bang bigla na lang nawala. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko pero gustong gusto ko siyang hanapin. Nagfi-feeling stalker na naman ako sa isang ‘yun. Kainis. Hindi ko talagang hindi mapigilan ang sarili. Mukhang may sarili na namanng buhay itong mga paa ko at nalaman ko na lang na nagtatago ako sa isang pader habang sumisilip sa kabilang dulo. Nand’un si Jared…may kasamang babae. Hindi ko pa nakikita ang babaeng ‘to dito. Hindi din siya naka-uniform. Masama ang kanyang tingin kay Jared habang si Jared naman ay parang wala mang lang ka-emo-emosyon. Nakasuot siya ng three-inch high heels kaya ay halos magkasingtangkad na sila ni Jared. Matangkad ang isang ‘to. Para siyang model. Maiksi ang kanyang buhok na hindi lampas sa balikat. Naka-dress siya na hanggang tuhod at halatang mayaman. Kutis pa lang ay hindi na nakakapagtataka. Girlfriend niya ba? Parang gusto kong magselos sa naisip ko. Sabagay, bagay na bagay silang dalawa. Walang wala ako ikukumpara sa babaeng kaharap niya ngayon. Para sa mundo ni Jared, isa lamang akong extra. Ay mali. Hindi pala extra. Audience lang. Hanggang tanaw na lang ang isang tulad niya para sa isang tulad ko. “Grow up, Jared,” narinig kong sabi n’ung babae. “We both know that you don’t belong in here.You're wasting your talent. You're wasting your time." Sa unang pagkakataon, hindi ko man lang nakita ang mga ngiti ng lalaking ‘to. Nakakapanibago. “Ilang beses mo pa bang susuwayin si Dad? Tara na.” “Ayoko, Ate.” “At bakit? This is not your world, my dear brother. Tama na ang laro. Tama na ang high pride mo sa sarili mo. Nag-aalala na ako sa 'yo." “At saan ba ang mundo ko ate? Sa mundo niyo? May sarili na akong pag-iisip. I know what I want.” Ah! Ate niya pala ‘yan? Hindi ko alam na may ate pala siya na ganito kaganda. Ngayon ko lang napansin na marami siyang kaibigan pero mukhang ni isa ay walang nakakaalam sa tunay na Jared na nakikita ko ngayon. Pinagseselosan ko ang ate niya. Way to go Olivia. Ang hopeless mo talaga. “Ayokong umuwi,” ‘yun lang ang sinabi ni Jared sabay nagwalk-out sa ate niya at naglakad. Naglalakad papalapit sa pwesto ko. Patay. “Jared! Makinig ka. Hindi gan’un kahaba ang pasensiya ni Dad!” Napansin kong huminto si Jared sa paglalakad. Oras na para lumayo. Oh lord! Kailangan ko lang ng limang segundo para makaabot sa kabilang dulo. “It doesn’t matter. It won’t change anyway.” Abah. Ang galing pala nitong mag-Ingles tapos sa English subject naming, lagi ko siyang nahuhuling natutulog lang! Narinig ko naman ang kanyang mga yapak. Sunga talaga. Nakalimutan kong ihakbang ang mga paa ko kanina sa sobrang pagkatsismosa. Natataranta ako nang wala sa oras. Bahala na. Sana ako na lang si Flash ng Justice League. Kaso, pangarap na lang ‘yun. Literal na mahinhin akong kumilos kahit noon pa man. Tumakbo ako papunta sa kabilang dulo ng hallway. Hindi ko alam kung nakita ba ako ni Jared pero tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa umabot ako sa pintuan ng aming “Sphere” office. Kanina pa nag-uuwian ang lahat kaya malamang ay wala ng mag-iisip na na pumunta pa dito. Agad akong pumasok sa loob. Mabuti na lang at binigyan nila ako ng duplicate key. Lagi kasi akong pumapasok nang maaga sa kanilang lahat kaya madalas ay ako ang unang pumapasok sa office namin. Pagkapasok sa loob, agad akong umupo sa paborito kong pwesto. ‘Yung sahig sa pinakadulo. Muntikan na ko n’un ah. Ayoko ng ulitin. Mahirap. Mahirap ng mabisto ang sekreto ko na matagal ko ng tinatago. Napapikit ako sa sobrang kaba. Hindi pa din maalis ang sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Ganito ba talaga kapag natataranta ang isang tao? “Bakit nandito ka pa, Olivia?” napamulat ako sa boses na aking narinig. Boses ‘yun ni Jared. Mas lalo yatang bumibilis ang pintig ng puso ko. Nakita kaya niya ako kanina? Sana naman ay hindi. Tiningnan ko lang si Jared na pumasok sa loob sabay isinara ang pinto. Ewan ko pero hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Kaming dalawa lang ni Jared dito. Kaming dalawa lang ng aking first love. Lumapit siya sa ‘kin at umupo sa tabi ko. Tahimik lang siyang umupo na parang ang layo ng iniisip. Hindi naman siya ganito. Ngayon lang. “Pahinging yakap,” bulong niya sa ‘kin. “Kahit ngayon lang Olivia, pahingi ng yakap.” Naramdaman ko na lang ang pang-iinit ng dalawa kong pisngi. Namumula ako sa sinasabi ng isang ‘to. Nakakatunaw ang mata niyang ubod ng lungkot. Ganito ba talaga kalungkot ang isang tulad niya? “A-ah. E-eh. Joke ba ‘yan?” nautal na naman ako. Grabe na ang pagiging engot ko kapag siya ang lagi kong kausap. “Kahit kailan talaga, Olivia---” Pero ewan ko. Bigla na lang akong na-froze na naman nang humarap sa ‘kin si Jared habang nakaupo pa rin ako sa sahig. Isang yakap na mahigpit. ‘Yung tipong yakap na gusto niyang may kakapitan siya kahit na wala naman siyang sinasabi. ‘Yung tipong gusto niyang maramdaman na hindi siya nag-iisa. Gan’ung klase. Gan’ung klaseng kalungkutan ang naramdaman ko sa mga oras na ‘yun. Wala akong magawa kung ‘di yakapin ang isang ‘to. Niyakap ko si Jared na para bang umiiyak pero wala namang mga luha. Nararamdaman ko lang ang lungkot niya. Sobrang lungkutan at hindi ko alam kung paano ang isang simpleng yakap ay makakatulong sa lalaking ito? Nakita ko ang ganitong mukha noon. Akala ko ay guni-guni lang. Hindi pala. Hindi pa ako binitiwan ni Jared nang biglang bumukas ang pintuan at nakita ko ang hindi ko dapat makita sa mga oras na ‘to. Bakit siya n’andito? Si Yosef.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD