Dino Sa wakas nalinis narin namin ang buong bahay. Kainis dahil hindi kami makapaniwala lahat sa mga nakita namin kanina. Paano kaya napunta dito ang mga bangkay nila at isa pa parang may sumosunod talaga samin hindi lang ko alam kong sino pero meron talaga. Tinignan ko lang ang mga kasama ko habang nag papahinga kaming lahat sa sala. "Guys sino kaya ang nagdala ng mga bangkay nila dito para takutin tayo?" nagtatakang tanong ni Nobert habang kumakain ng pansit na niluto ni Marie samin lahat. "Hindi ko alam pero feeling ko may sumosunod satin." wika naman ni Teddy, sa wakas may nakaisip rin niya ang na iniisip ko. "Kaya kailangan natin alamin kong sino ang sumosunod satin at bakit niya ginagawa satin to." dugtong pa ni Bern. Nagkatingan lang kami lahat ni isa sa amin walang may na sab