CHAPTER FIFTEEN
∞News∞
Napabangon na lang ako sa kinahihigaan ko saka pumukit at bumuntong hininga. Ilang araw na ba ako dinadalaw ng lalaking yun sa panaginip ko? Tsk kahit kausapin ko sya di sya nagsasalita bigla na lang sya lalayo at mawawala sa dilim. Yun ba talaga may ari sa bow ko?
Tumayo ako at umunom ng tubig na nasa jag. Maaga pa para uminom ng tubig galing sa ref baka sumakit ang tyan ko. Tiningnan ko ang wall clock at nalita ko mag-si-six na pala ng umaga.
"Oh, himala ang aga mo ata. Anyway, good morning." bungad sakin ni Jana kaya naman ngumiti ako sa kanya.
"Oo nga eh. Good morning din. Ako muna maliligo pwede ba?" Paalam ko sa kanya at nag nod naman sya.
Agad kong kinuha ang pares ng uniform ko at saka nagmamadaling pumunta sa CR. Dalawa kami at seven thirty pa naman ang class pero syempre matagal ako maligo kaya kailangan magmadali.
Kilala mo ko Lily...
Huwag kang magalit Lily...
Napasabunot na lang ako habang nasa shower. Ano ba bakit hindi maalis sa isip ko mga sinabi nya? Oo alam ko hindi ako dapat magalit dahil baka kung ano mangyari pero hindi ko sya kilala! Hindi ko rin alam kung anong galit ang sinasabi nya!
Imbis na magtagal pa sa CR ay lumabas na at nagbihis saka lumabas ng walang gana nakita ko naman ang pag alala sa mukha ni Jana kaya naman ngumiti ako at buti naman di na sya nagtanong pa. Hindi na ako nagsalita sa dorm at kahit noong naglalakad kami ni Jana masyadong occupied ang isip ko.
Pagdating sa classroom ay agad akong umupo sa place ko at inub-ob ang mukha ko sa braso ko habang nakapatong sa mesa ko. Ano bang nangyayari sakin? Bakit ba ako ganito? Napadilat naman ako at tumingin sa tumapik sa balikat ko at bumungad sakin ang mukha ni Kenji.
"Kung may problema ka okay lang kung di mo muna sabihin samin pero kung di mo na kaya kausapin mo lang kami." nakangiti nyang sabi.
Kasabay ng pagngiting yun ay ang tilian ng mga classmate ko kaya naman napatampal sya sa noo nya at saka bumalik sa pagiging isang poker face boy.
"Thanks," nakangiti kong sabi.
Nagsiayos na ang lahat ng dumating bigla si Miss Maya pero iba ang aura nya ngayon she seems excited yet worried. Hindi ko lang makita kung bakit pero nagulat ako ng tumingin sya sakin at umiling, naramdaman nya?
"Okay class take your sit and we will start." Bigla na lang kaming napunta sa mataas na lugar kung saan nakikita ang buong Forbidden world, may ilan sa classmate ko na napaupo dahil sa takot "This Forbidden world had six kingdom, five pillars and one center." Biglang napunta sa lugar kung saan puro pula ang nakikita, karamihan pula pero may mga ibang kulay pa rin naman. "The first pillar is the fire kingdom. This kingdom had the most active volcanoes, yet, it isn't hot there like what you think. This kingdom ruled by Queen Flaire and King Magma. They had a Two Prince and one Princess isa na doon si Jared ang pinaka bata da kanilang magkakapatid. Those two are really a hot-headed King and Queen but they’re still close to each other."
Halata nga namana siguro ng lalaking yun ang init ng ulo ng nanay at tatay nya kaya ganun na lang ang init ng ulo sakin. Nagbago na naman ang view at saka napunta sa isang palasyo na napapalibutan ng fountain at may malaking talon sa gilid na may kubo sa gitna.
"Next this is the Water kingdom, the second pillar in Forbidden World. This palace is known for their unique structure and peaceful place. This place is really suitable when you want to be alone or think because this is the place of wisdom. This palace is ruled by Queen Regina and King Roland they are both quite well known because of their word of wisdom. They had their four Prince and Five Princess." nganga ang sipag naman nila gumawa ng mga anak. "One of them is Liza"
I guess kilala ng lahat ang Royalties. Kung sabagay sino ba naman ang hindi makakakilala sa kanila. Magaganda sila at oo na aaminin ko na gwapo sila kasama ang isang yun. Nagbago na naman ang place at napunta sa isang palasyo na puro puno.
"This is the Earth Kingdom where Queen Natsune and King Ridel is the ruler and their five son one of them is Nathan. This place value the nature the most, they are independent yet dependent. They are independent because they did not receive any kind of gift came from the other country yet the relation between this pillar and the others are good. Also they are dependent because all they need is in this forest, they depend themselves in this forest."
Nakakalungkot naman yun hindi man lang nanghihungi ng tulong o di kaya natanggap ng tulong pero nakadepende sila sa nature. Siguro para sa kanila okay lang yun pero sa tingin kaya nila may magandang mabibigay yun? Aist, bakit ba ako nakikialam? Nagbago na naman ang view na lipad na naman kami at kaharap namin ang isang malaking tipak ng bato na may mga puno sa taas at may malaking kastilo.
"Yan naman ang pang apat na pillar ang Wind Kingdom. Pinamumunuan to ni Queen Diana which is Dian's sister, she really is the great Queen in their history kaya naman mahal na mahal sya ng mga tao sa Wind kingdom. Even in early age of being crowned as Queen she accomplished any impossible thing."
At nagbago na naman ang Scene ngayon nasa isang sobrang puting palasyo kami na napalalibutan ng snow. Halos puro snow na nga eh.
"This is the Snow Kingdom also known as white kingdom. Ruled by Queen Anestesha. Hindi naman talaga sya ang dapat na namumuno sinunod nya lang ang kailangan. Queen Anestesha is a substitute Queen dahil sa namatay ang kapatid nya matagal na and his child is in the mortal world right now."
And nagbago na baman ang buong paligid nakita namin ang isang palasyo na katabi lang ng Academy kung nasaan kami ngayon.
"This is the Forbidden Castle. And I can’t tell you about the history of this palace its forbidden and only Queen Miyu can discuss the history of this but all in all this is the center of five pillars, the heaven."
At bumalik na kami sa dating upuan namin at napahawak naman ako sa kinauupuan ko, hindi ko alam pero after shock ata? Medyo nahihilo kasi ako eh kahir sila Jana nahilo rin.
"And this is the news I'm going to say," kahit na nahihilo ay umayos ako ng upo at tumingin kay Miss Maya hanggang sa may paru paru at may pixies na lumabas at nawala ang hilo ko "The Queen of Snow Kingdom, Queen Anestesha, manonood sya ng Team battle na gaganapit next month. Good luck." at nawa sya sa harap namin.
Agad namang nagsibulungan ang mga classmate ko at kami namang Chosen’s ay mas piniling umalis doon at pumunta sa cafeteria kaya naman nagsigawan sila. Seryoso? Kelangan ba talaga? Ano kami artista? Pagdating namin sa floor namin ay nakita ko doon sila Dian na nakangalumbaba.
Sa sobrang lalim ng iniisip nila hindi man lang nila namalayan na nandito na pala kami sa likod nila.
"Aist, di man lang tayo makakasama sa special mission na ibibigay kung sakaling manalo tayo sa team battle next month." sabi ni Liza at ginulo ang buhok nya.
"Kaya nga eh gusto ko pa naman sumama," dagdag naman ni Dian...
"So much occupied para hindi kami maramdaman? Ganyan na ba kayo kamanhid?" Pagbibiro ni Naomi at nag pout naman si Liza at Dian.
"Anong problema?" Tanong naman sa kanila ni Nexi. Tumingin si Dian at Liza kay Nathan at bumuntong hininga naman si Nathan.
"After ng team battle kung sakali man na tayo ang mananalo. I mean, ang grupo natin ang mananalo di kami makakasama sa special mission na gagawin. May mission kami and mag uumpisa yun right after the competition." sabi nanan ni Nathan.
"What? Bakit? Ang daya naman!" Naiinggit na sabi naman ni Masha.
"Anong misyon ba binigay sa inyo?" Tanong naman ni Risa at umupo.
Umupo na rin ako. Buti naman naisipan nilang umupo nakakangalay kaya. I mentally pout baka kasi may mangbwisit sakin pag nag pout talaga ako.
"Pupunta kami sa mortal world para hanapin ang Prinsesa ng Snow Kingdom," sabi naman ni Jared.
"Nagkaroon kasi ng lead ang reyna kung nasaan ang asawa ng kapatid nya at ang anak nila kaya magpapadala sya doon." Sabat naman ni Liza.
"Hahabol na lang siguro kami sa Special Mission." dagdag naman ni Dian.
At ayun nagsikainan na kami. Nasa mortal world ang anak ng hari ng Snow Kingdom, kelan kaya namin sya makikilala? Bakit parang interesado ako sa Snow Kingdom? Ay ewan makakain na nga.