CHAPTER TEN
∞The royal mansion and test∞
Habang nasa cafeteria kami lahat at pinagtitinginan dahil sa dala namin ang mga weapon namin. Kami pa lang na nasa special class ang merong weapon and dahil hindi pa namin nakakausap si Sir Vinle hindi pa namin na-mi-minimize ang weapon namin. Yun ang sabi ni Jana samin.
Nagbubulungan ang lahat habang nakatingin sakin they are asking kung ano ang kapangyarihan ko. But, whatever, ayoko ipakita yun masyadong delikado.
"Hi!" dinig kong sigaw ng isang babae.
Nang tingnan ko ay nakita kong tuwang tuwa si Liza at Dian habang papalapit samin at niyakap naman kami. And take note, halos matumba na kami. Nasa second floor pa lang kami kaya marami ang nakatingin sa amin at lahat nagtataka sa presensya ko.
Okay, sige. Di ko na lang sila papansinin tutal yun din naman ang sinabi sakin nila Jana eh ang wag silang pansinin. Kaya yun na lang ang gagawin ko.
"Kanina pa namin kayo hinihintay ang tagal nyo ah. Nag over time kayo ng isang oras." sabi ni Nathan at napatingin naman kami sa orasan namin na nakalagay sa pader ng second year.
"Nag over time nga." Sabi ni Risa at saka nagsalita ulit "Sorry, ginawa na kasi namin ang unang hakbang. Ang makuha ang weapon na para samin."
"Kita nga namin." maiksing sabi naman ni Jared.
Nang makaupp na kami ay agad na binigay ang order namin kung dati ay pang labing isa lang ang pag kain nila ngayon ay pang labing dalawa na. Dumagdag daw kasi ako sabi nila Liza.
"Hindi ko alam kung bakit kasama nyo ang babaeng yan. Mahina sya."
Napatigil ako sa pagkain ko at napatingin kay Jared at sakto namang nakatingin sya sakin, yeah oo. Ako nga ang sinasabihan nyang mahina. Porket di ko ginagamit ang kapangyarihan ko?
"Tandaan mo Lily, hindi basta basta ang kapangyarihan mo kaya maling gamit lang mamamatay ang lahat. Huwag kang magmadaling i-please ang kapangyarihan mo baka hindi lang ikaw ang mamatay."
Yan mismo ang sinabi ng isip ko sakin na kailangan ko mag ingat sa paggamit ng kapangyarihan ko.
"Hindi ko alam kung bakit ka kasali samin."
"Jared!"
Anong probelma ng lalaking to? As if naman gusto ko syang maging kaibigan!
"Mahina sya Liza."
"Jared manahimik ka na,"
"Pati ikaw Dian? Baka nga may kung anong ginawa yan sa inyo kaya yan nakasama sa inyo."
What? Anong akala nya sakin witch? Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Jana.
"What the hell are you talking about Jared?" Inis na pakikisali ni Jana "It’s not that we want you to be friend to her. Kung ayaw mo edi wag. As if naman kawalan sa amin yun. And also, I want to warn you like how my sister warn me. She's not like what you think, she's scary as hell, her power is scary as hell to be describe." Galit na sabi pa ni Jana and tumungin sya sakin. "That's why she's chosen," dagdag pa nya saka ngumiti.
"Jana kalma lang ah," sabi naman ni Miko at tumingin kay Jared. "If hindi ka naniniwala na isa syang Chosen then why is she has this aura? After all our great grandfather didn't have any mistake of reading the choosing light. Any of us even the light of future."
Huh? Teka lang ha?
"Wait. What test?" I ask and they turn their gaze to me and smile except for one, Jared. Inirapan ko na lang sya.
~~~*****~~~
Bumalik kami ni Jana sa dorm namin para daw makapagpahinga at ako eh hindi ko naman alam kung bakit kailangan ko nang magpahinga, langya may class pa kaya kami sa poison making!
"Jana bakit ba kailangan kong magpahinga? Saka bakit wala sa class natin sila Liza kanina? Hindi ba sila kagaya natin?"
Napatigil naman si Jana sa pagbabasa at saka tumingin sakin at saka naman nagsimulang magsalita.
"It’s because you need your physical strength para matapos ang test na yun. Doon malalaman kung isa ka bang Chosen o hindi. Since alam na ng lahat at si Jared ang naghamon sayo sa test na yun, magiging isang broadcast ang test mo." Napa-gulp naman ako, langya malala na to. "And kung bakit naman wala ang royalties sa room natin, it’s because they are not like us, you're right. Royalties with powers sila and their classrooms and school are not here. May school pa sa likod nito at yun ang school nila and the mansion is their dorm, although sampu lang silang nandoon."
Napanganga naman ako doon, so hindi nga sila kagaya namin! And yung ugali ni Jared? What a typicall prince, the hell! Arogante, mapagmataas and whatever bakit ko ba inaalam? I mentally rolled my eyes.
"Magpahinga ka na." banta saking sabi ni Jana at napabuntong hininga naman ako.
Hindi na ako nakipagtalo at humiga na lang ako na nakatalikod kay Jana saka pumikit. Actually, hindi ako matutulog kakausapin ko lang sya.
Naramdaman kong wala na ang isip ko sa katawan ko kaya naman hinanap ko ang isa pang tao sa katawan ko at di naman ako nabigo ng makita ko sya, liwanag lang at wala akong ibang nakikita kundi ang hubog ng katawan nya. Witwiw sexy.
"Ano nang gagawin ko?" Nag aalala kong tanong at nakita ko naman na parang napabuntong hininga sya.
"Hahayaan mo na lang bang alipustahin ka ng prinsipeng yun?"
"Eh kasi sabi mo na mapanganib ang kapangyarihan ko. Tana si Jana it’s scary as hell."
"It’s scary if ever na nagpatangay ka sa emosyon mo. Listen Lily, you must not allow your emotion overcome your action. You must be calm at all times. Don’t worry I will help you to your test. And we will give that damn prince what he will get if he underestimate us."
"Lily gising na." dinig kong sabi ni Jana.
"Sige na bumalik ka na."
"Okay."
Unti unti kong binalik ang kaisipan ko sa katawan ko at saka dumilat pagkatapos ay nakita kong mangingiyak ngiyak si Jana.
"Oh, my goodness! Akala ko patay ka na!"
"Huh? Bakit?"
"Hindi kaya pumipintig ang puso mo! Akala ko patay ka na walang hiya ka!"
Natawa naman ako sa sinabi nya. Ngumiti ako at saka nagsimula nang mag ayos, simple lang ang suot ko. Jeans and t-shirt, paglabas namin ng dorm ay marami raming student ang nakatingin samin.
"Isa pang titig at hulong tungkol samin makikita nyo hinahanap nyo." naiinis na sigaw ni Jana at nawala naman ang titig samin.
Paglabas ng dorm nakita naman namin doon sila Miko at napangiti sila ng makita ako. Wala kaming imik habang naglalakad kami at ngayon mas marami nang tao kaya naman hindi na mako-kontrol ang tingin nila.
May iba pa akong naririnig na matatalo ako at may iba naman nagsasabing mananalo ako. And thank you sa mga nagsabi nun. Pagdating namin sa likod ng school may nakita kaming portal at hinila ako ni Jana saka pumasok.
Yung jeans at t-shirt na suot ko napalitan ng uniform ng Twelve Academy and take note talagang naka-empasize na ngayon na high rank kami dahil sa nakasulat sa kaliwang balikat ng manggas namin. Section Legendary, Special Class ang nakalagay at mukhang kilala sila Miko kaya marami ang nagtiliian.
Marami din naman ang student dito kaya lang mas marami kami. Ang alam ko mga anak ng pulitiko ang nandito. Nagtaka naman ako ng nahawi ang tao pero napairap din naman agad ng makita ko, ang hard nila ah.
"Akala ko naduwag ka na." mayabang na sabi ni Jares.
"Hindi mo sya kailangang sagutin Lily, hayaan mo sya."
Gaya ng sinabi sakin ng nasa loob loob ko hindi ko nga sya sinagot at pinansin napagasp naman ang lahat kaya naman nag yaya na sila Dian. Hindi na siguro nila gusto?
"This is the Royal mansion." sabi sakin ni Jana.
"Bakit dito?"
"b***h, dahil dito gagawin ang test"
Huminga ako ng malalim. Lily kumalma ka hindi maganda kung magpapadala ka sa init ng ulo mo, alalahanin mo kasama mo ang ilan sa mga bago mong kaibigan ngayon. Bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko sya pinansin at sumunod na lang, ayoko na nga magtanong baka mamaya eh mapahiya pa ako. Pasensya sila baguhan eh. Huminto kami sa harap ng isang napakalaking pinto at narahas na hinawakan ni Jared ang braso ko, sino pa ba?
"Kaya ko maglakad papasok hindi mo na kailangan pang hilain ako" at marahas ko ring hinawi ang braso ko, nagulat naman sya. Buti nga.
Huminga muna ako ng malalim saka pumasok sa loob at pagpasok napagpasok ko ay agad na nawala ang pinto na pinasukan ko, but who cares? I stand for minutes at walang nangyari.
"What the hell? Pinagloloko ba ako?" inis kong sabi at naglakad at napatigil ako sa nakita ko "Mommy? Nikki?"
Parang waterfalls na bumuhos ang luha ko sa nakita ko. I saw my mom and Nikki lying on the floor, no. Huminto ako sa paglalakad. I know I am the one who cause her to death but she said she dont want me to blame myself.
Nikki is my stepsister and because of me she died and also my dad. They died. Lumuhod ako sa harap ni Nikki at hinawakan sya.
"It maybe my fault but you dont want me to blame my self for what happen. You even said that its okay. But the real fact is I didn't what happened. Umuwi na lang ako nakahiga na kayo ni mommy"
"We killed them, and you are next"
Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko ang mga lalaking nakatayo tatlong metro ang layo mula sakin at nakita ko rin ang mga ngisi nya. Oo tama, naaalala ko na. Sila ang dahilan kung bakit namatay si daddy at si Nikki, sila din ang dahilan kung bakit nag agaw buhay si mommy.
Binawasan nila ang taong tumanggap sa kung sino ako, binawasan nila at kinuha nila ang taong wala namang ibang ginawa kundi ang intindihin ako.
"Hayaan mong dumaloy ang enerhiya sayong katawan pero huwag mong hahayaan na makontrol ka nito, kapangyarihan mo yan at katawan mo yan, ikaw dapat ang kumontrol hindi ang ikaw ang kokontrolin, please them go help you" malinaw nyang sabi sakin.
Tumayo ako at saka humarap sa mga lalaki, pito sila at isa lang ako nakakatakot pero hindi ako dapat matakot. May tutulong sakin at nararamdaman ko yun. I let my energy run to all my body nerves and that time all I can see is blur then I cant see anything.
"Oh my goodness, Lily." its Dian, I think?
May naramdaman akong bumuhat sakin at hindi ko na alam mawalan na ako ng malay siguro? Naglakad ako sa kadiliman ng isip ko at nakita ko sya ang taong laging natulong sakin.
"Good thing at nagawa mo"
Totoo ba lahat ng yun? Tanong ko naman sa kanya at umiling sya.
"Hindi iyon totoo, at hindi ko rin nalaman agad dahil parang totoo, pasensya na"
Hindi mo naman kailangan magpasensya, ako nga ang dapat eh lagi mo na lang akong tinutulungan
"Dahil kailangan Lily at balang araw di mo na ako kakailanhanin"
Hindi din. Ano nga palang panhalan mo?
Bahagya syang natigilan saka tumalikod at naglakad palayo sakin
Teka! Wait! Tinatanong kita ano ba! Wag ka muna umalis!
"Lucy, Lucy is my name. You need to wake up"
And I open my eyes and I saw nothing but white room. May pumasok na lalaki at tumingin ako sa kanya at nakita ko mamang ngumiti sya sakin. Shemay Lily ang gwapo naman nya! Sabi ko sa isip ko.
"Buti naman at gising ka, ikaw na ata ang pinaka matagal na nakilala kong nagtrain doon" sabu nya at nilapag ang gamot.
"Po?"
"Nandoon ka para patunayang isa kang Chosen di ba?" nag mod maman ako sa kanua "Here uminom ka muna"
"Wait lang po ah?! Pasensya na pero hindi ako iinom nyan, hindi naman po kita kilala eh. Saka isa pa po nasan ako? At sino nagdala sakin dito?"
"Hahahaha ibang klase. Nandito ka sa clinic, si Miko ang may dala sayo dito and also ako si Vinle ang magiging teacher mo sa Poison making and also ang head healer dito sa Academy"
Halos malaglag ang panga ko sa gulat. Kung ganito kaganda at kagwapo ang magiging professor ko hindi na ako aabsent. Dahil sinabi nya na rin na head healer sya kaya naman ininom ko na ang gamot na binigay nya saka ako inantok at natulog ulit.