CHAPTER 8

2041 Words
CHAPTER EIGHT ∞Finding the right weapon part one∞   Bago matulog ay hinintay ko kung sino ang magiging dorm mate ko simula kasi noong dumating ako dito di ko sya nakita. Nagbasa basa na muna ako hanggang sa makarinig ako ng ingay at bumukas ang pinto.   "Ah, hi?"   "Jana? Ikaw ang dorm mate ko?"   "Ay hindi. Hindi ako. Hindi nga ako ang nakikita mo eh." at umirap naman sya.   "Konti na lang talaga Jana susungkitin ko na yang mata mo." sabi ko naman at umirap na naman sya. "Bakit hindi kita nakita noong nakaraan?"   "Sa palasyo kasi ako tumuloy. Doon ako pinatuloy ni ate esti ng Mahal na Reyna." Sagot nya sakin at nag nod naman ako, "Di ba ikaw yung kinausap namin sa mundo ng mga normal? Yung nasa garden ng school? Ikaw din yung babaeng tinitigan kami nung lumabas kami sa Mint Academy?" sabi nya.   Pilit kong inalala ang mga nangyari, oo tama. Sila nga ang nakita kong lumabas noon sa Mint Academy at nakaramdam ako ng inggit pero agad din naman nawala at sila din ang kumausap sakin noong nasa dating school pa ako at umalis din sila agad.   "Oo ako nga yun."   "Aah. Pasensya na nga pala ha? Na agad kaming umalis nagulat kasi kami na alam mo ang tungkol sa Twelve Academy. Kahit na hindi ka pa makakapasok sa Mint Academy." sabi nya at kumuha ng damit sa cabinet nya at umupo sa kama nya pagkatapos.   "Ah, si mommy ang nagsabi sakin nun." at nag nod naman sya.   "Bakit ka nga pala lumipat? I mean, as much as possible kahit na may kapangyarihan ang isang bata eh hindi na nila pinag aaral dito sa Academy, may nangyari ba?" Tanong nya naman.   Para akong natuod sa tanong sakin ni Jana. Napayuko naman ako. Sasabihin ko ba o hindi? Pag sinabi mo baka layuan ka nya! Wag na lang kaya? Pero panget din naman ang hindi naglalabas ng sama ng loob. Okay fine magsasabi ako.   "May nangbubully sakin at sa hindi ko malaman na dahilan nasa pinaka sulok ako ng isip ko at nakikita ko ang sarili kong nakikilag away. Hinawakan ako ng nangbubully sakin at ayun nagliwanag ang kamay ko at bigla na lang kinapos ng hininga ang nang bubully sakin. Nakausap ko ang sarili ko, hindi ko alam kung ako ba talaga yun pero mabait naman ang taong yun."   Tahimik lang syang tumango at saka nagpaalam na maglilinis muna ng katawan bago matulog. Umupo ako sa kama ko at pinatay ang ilaw. After minutes ay lumabas na si Jana sa Cr at umupo sa kama nya kaharap ko.   "I was in the same side as you are."   "Na-bully ka rin?" Di makapaniwalang tanong ko.   "Unfortunately, yes. I was always got bullied dahil kay Miko. Sya kasi ang pinaka best friend ko sa boys. Although they are all my best friends. They love Miko at dahil sa laging nakaakbay si Miko sakin, laging sweet which is given naman sa aming lahat ayun they thought na kami ni Miko. At first hindi namin pinansin but then ayun nagsimula na sila i-bully ako hanggang sa hindi ko na kinaya. I called my beloved black air and I killed them all."   Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi nya at natawa naman sya kaya naman mas lalo akong nagtaka. Nakapatay na sya masaya pa sya?   "Nobody saw what I did and that was the lucky thing. I actually didn't kill them, coma, yan ang kinahantungan nila. I can paralyze someone's mind using my black air, I can corrupt their memory and alter it. Hanggang dun lang kaya ko but Miko can do all about mind thingy. So ayun na nga na-coma sila and I alter their memory na nabangga sila." sabi nya at inayos ang unan nya, "Lets sleep hindi maganda maging teacher si kuya Renji sa kalahating araw. Samahan mo pa ng kalahating araw para kay kuya Jasper. Masakit yun sa katawan." sabi nya pa at nahiga na kaya naman nahiga na rin ako "Good night Lily, its finally good to meet you."   "Good night, Jana. I want to know you guys more." and that’s it, I close my eyes and go to the dream land.   ~~*****~~   Nagising ako ng hindi pa gumigising si Jana, I look at my watch and akalain mo yun? Five pa lang. Eight pa ang class namin. I sigh. No choice.   Naligo ako at nagbihis ng uniform, may ibang naglalaba dito sa school at hindi namin alam kung tao ba o kapangyarihan. Pag nilagay na namin sa basket ang labahan namin automatic na na after three hours babalik yun sa basket pero nakatupi na, mabango na at malinis na.   After kong maligo, magbihis at mag ayos ay agad naman akong lumabas. Medyo madilim pa sa paligid at iilan pa lang ang naglalakad karamihan nga sa kanila ay nagtataka sakin eh, nagkibitbalikat na lang ako.   Paglabas ko sa dorm building ay agad naman akong nag unat at saka huminga ng malalim at ibinuga ng malakas. Ngumiti ako. Medyo matagal na rin namg huli akong magising ng ganitong oras na excited. Nangyayari lang to noong tinuturuan pa lang ako ni mama.   Pagdating ko sa cafeteria ay konti pa lang ang tao kaya naman nakapag order agad ako at di na ako nag abala pang pumunta sa fourth floor para lang doon kumain dahil gutom na ako at ang alaga ko sa tyan ko nagwawala na.   After I ate ay agad din akong bumalik sa dorm, seven pa lang at akalain mo yun? Tulog pa rin si Jana? Napailing na lang ako at ginising sya.   "Jana?" At kinalabit ko sya pero walang effect, "Jana kung hindi ka gigising ma-le-late ka sige ka," pagsabi ko nun ay agad naman syang napamulat "Ayaw mong malate? Magbihis ka na seven na o mag se-seven thirty na pala," sabi ko.   Napatingin sya sa orasan at natawa naman ako dahil kahit na ayaw nya pang bumangon ay agad naman syang pumunta sa CR. Paglabas nya ay ready na agad sya at agad naman nyang kunuha ang suklay at bag nya kaya naman kinuha ko na rin ang akin. Nilock ko ang pinto ng dorm namin at ibinigay ko sa kanya ang sandwich na binili ko kanina.   "Inaantok pa ko pero ayokong mapagalitan ni ate dahil lang sa hindi ako umattend ng training kay kuya Renji" sabi nya at napahilamos naman sya ng mukha nya gamit ang kamay nya "Pero wala talaga ako sa mood ngayon!" Dagdag nya pa.   Si Jana na akala ko ay Mataray kapag may iba palang kasama saka sya nagtataray pero pag sa taong nakokomportablehan sya ay lumalabas ang pagiging childish nya at nagiging madaldal din.   Dumeretso kami ni Jana sa training room and swear, five times ang laki nito sa MOA sa mundo ng mga mortal. Grabe lang ang laki talaga. At hindi naman ganun karami kami sa section namin and actually nga nyan ay twenty-five lang kami sa Special Class.   "Good Morning," agad naman akong napatingin sa pinagmulan ng boses.   Sir. Renji.   Marami ang nagkakagusto na babae sa kanya pero lahat ilag dahil kay Miss Rika. Alam nilang lahat na nanliligaw si Sir Renji kay Miss Rika at alam din ng buong students and faculty members sa school na ma-a-abo sila kapag nilandi nila si Sir Renji.   "For now, I will teach you the basic handling of sword. Not totally basic dahil ang ituturo ko ay base sa mga nalalaman ko. I know na noong first year kayo ay puro lang kayo basic. Sa mga academics at noong second year naman kayo ay basic sa poison making. This year will be one of the hardest years you will have." Sabi ni Sir, "Form in line by five and by height." dagdag nya pa.   Agad naman kaming pumila sa kasunod namin at dahil sa medyo matangkad ako kasabayan ko sila Jana, Miko, Nexi at si Kenji. Kami ang nasa fifth lane nasa fourth naman si Masha at Angelo kasama si Naomi at Risa saka ang isa pa naming classmate na hindi ko kilala.   "The first thing you need to do is to suit yourself. You have to know which weapon you want. You must be comfortable with one or more weapon. But for now, we should focus on one weapon but I know there is someone na handa na sa two weapon," at gumawi ang tingin nya sa grupo namin to be exact kay Jana. "There's a lot of weapon here." at may pinindot sya at saka may lumabas na mga weapon sa dingding. "Find the weapon you will be with until the end. Remember na kailangan nyong pakiramdaman ang bawat isang weapon. Okay first group."   Unang pinapunta sa harap ang babaeng pinaka maliit sa amin, payat lang sya at mahinhin na akalain mong hindi makabasag pinggan. Naglakad sya at pumasok sa barrier. Yes, oo, may barrier nga ang mga weapon pero okay lang naman na pasukin yun pero isang tao lang ang pwede.   Naglakad lakad sya at ginawa nag sinabi ni Sir kanina na pakiramdaman ang bawat isang weapon and then bigla na lang syang tumigil at ngumiti saka inabot ang isang lyre. Aquatic lyre.   "Good job Lucy. Your power which is your melody can make that lyre more powerful." nakangiting sabi ni Sir at nag bow naman si Lucy. "Okay next,"   Nagpatuloy ang paghahagilap sa mga weapon nila. May ilan na walang nahanap sa level one kaya naman in-open ni Sir ang level two. Nasa level one kasi ang pangkaraniwang weapon para sa pangkaraniwang power at nasa level two naman ang para sa mga elements kung saan nandoon sila Jared ang mga Princes at Princesses.   "Fourth lane. Masha."   Fourth line.   Si Masha ang unang tumayo dahil sya ang nasa unahan at bago pa man sya makapasok ay huminga na sya ng malalim at saka ngumiti kay Sir Renji at sa amin saka sya pumasok sa loob. Una syang pumunta sa level one at tiningnan ng maiigi isa isa ang mga weapon pero lumagpas sya at pumunta sa level two sinuri nya ulit pero umiling sya at humarap sa amin ng nakasimangot.   "I can’t find any bond," inis na sabi nya at pumasok si Sir Renji at may pinindon at lumabas ang Legendary Level.   Lahat sila napasinghap at nanghinayang na rin dahil sa level one at level two ang mga sandata nila. Lumabas na ulit si Sir at tiningnan si Masha. Nakita nyang sinusuri ang mga weapon na nandoon at nakangiti na itinaas ang isang salamin?   "Good job Masha." Pumapalakpak na sabi ni Sir Renji, "That mirror may be used in making a portal and also can be your weapon. Find how to use it." sabi ni Sir Renji.   Kung kanina ay feel na feel ni Masha ngayon naman ay nakasimangot sya pero agad naman syang sinabihan ni Nexi na okay lang yun kaya naman napangiti sya. Ibang klase ang samahan ng kambal na to.   Wait teka nga. Parang kamukha ata ni Sir Renji si Nexi? Yes, I know they both girls. I mean, si Nexi at Masha pero hawig talaga ni Sir Renji si Nexi.   "Naomi," tawag ni Sir at tumingin si Naomi sa kanya "You're next." at nag nod naman si Naomi.   Gaya ni Masha ay una syang lumapit sa level one napabuntong hininga naman sya ng wala syang makita or maradamang kakaiba sa level ng weapon don.   "Hindi na ko magtataka kung sa legendary weapon din sya makakuha,"   "Oo nga sa lakas ba naman nya eh."   Napatingin naman ako sa dalawang nag usap at saka binalik ang atensyom ko kay Masha, tama nga ang dalawang babae na sa legendary weapon napapabilang ang weapon nya.   Same kaya sila ng magiging weapon ni Nexi? Mirror din kaya? Napangiti naman sya ng tumingin sya sa kambal nya at ngumiti ng nakakaloko.   "Good job again. What will be a combination ang magagawa nyong dalawa? Is it that powerful or not?" pang hahamong sabi ni Sir Renji at inirapan lang naman sya ni Masha.   Bumalik sya sa kung saan ang line nya at proud na tiningnan ang hawak nya. Nang tawagin si Risa ay bumuntong hininga muna sya bago tumayo. Anong klaseng kapangyarihan kaya ang meron sya? I mean I know kaya nyang gumawa ng apoy what I mean is ano ang kaya nya pang gawin?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD