CHAPTER 20

1512 Words
CHAPTER TWENTY   ∞Mission∞ I can feel it I am in a deep slumber, I want to wake up as soon as I regain my energy inside my head yet my body seems like rejecting my own consciousness. Naupo ako sa isang sulok sa loob ng isip ko, hindi ko alam na ganito pala kadilim sa loob ko sabagay hindi ko rin masisisi kung bakit ganito dahil alam ko sa sarili ko na napakanega kong tao. "So she finally reveal you" napatingin naman ako sa nagsalita at napairap naman ako dahil nakita ko sya "What?" "Kinakausap kita noon pa pero ngayon mo lang ako naisipang kausapin? Aba hindi porque ikaw ang dating-" hindi ko na naman napagpatuloy ang sasabihin ko ng tumawa sya kaya naman napapout ako. "Anong nakakatawa?" Naiiritang tanong ko at tumigil na sya sa kakatawa. "Pasensya na hindi ko mapigilan." tapos tumayo naman sya ng maayos "Ngayong napakilala ka na nya maari mo na syang mahanap. Oras na para hanapin mo sya." "Huh? Anong pinagsasabi mo? Nasisiraan ka na ba ng bait?" "Gumising ka na masyado ka na atang napamahal sa lugar na to" "Teka ano muna ang sinasabi mo?" "Malalaman mo rin" Napasigaw naman ako sa isip ko dahil may humila sakin papunta sa liwanag. ~~*****~~ Humahangos na napadilat ako at agad naman ding napapikit dahil sa liwanag ng ilaw, tinakpan ko ang mata ko gamit ang kamay ko at saka unti unting tinanggal at ng makita ko kung nasan ako agad naman akong napabuntong hininga. "Clinic, kelan pa ako naging suki ng clinic?" naiiling kong sabi. Oras na para hanapin mo sya. Oras na para hanapin mo sya. Oras na para hanapin mo sya. Ginulo ko ang buhok ko pero napangiwi din naman agad dahil sa kirot na naramdaman ko sa kanang kamay ko, dextrose. Ano ba naman yan eto pa naman ang pinaka ayaw ko sa lahat. Tinanggal ko yun at tiningnan ang wall clock. Five na pala ng umaga. Napatingin ako sa gilid at nakita kong may bag dun kaya naman kinuha ko yun and sakto gamit ko pala yun hahaha kinuha ko ang uniform ko at saka nagpalit. Pero kung minamalas ka nga naman oo paghubad na paghubad ko ng blouse as in kitang kita na ang bra ko as in nakabra lang ako at nakapalda ay may pumasok. Isang lalaking kulay pula ang buhok at mata. Agad naman ako napasigaw at sinara nya naman ang kurtina. "Anong nangyari? May nangyari bang masama kay Lily? Patingin" tarantang tanong ni Kenji. "Huwag kayong papasok kundi malilintikan kayo sakin" sabi ko at natahimik naman sila. Tinapos ko ang pagbibihis ko at ng matapos ako ay kahit namumula tinanggal ko ang kurtina at umupo na ulit sa kama. Nakauniform na ako. Leche bakit ba kasi parang ayokong tingnan si Jared? Langya. "Oh em gy! Dont tell me Red nakita mong nagpapalit si Lily?" napatakip naman ako ng mukha dahil sa tanong ni Naomi. At dahil sa walang sumagot sa amin ni Red ay narinig ko na lang na pinagbabatukan sya ng girls at talaga nga naman sinabunutan pa puro aray at inis ang nakikita at naririnig ko kay Red pero ng magkatinginan kaming dalawa agad din naman kaming napaiwas. "Pero buti na lang gising ka na" napatingin naman ako kay MIko at nag nod "Kaya mo na ba? Wag ka na lang kaya muna pumasok" sabi nya pa at umiling naman ako. "Ano ka ba kaya ko na saka isa pa isang gabi lang naman ako tulog" sabi ko at binatukan naman ako ni Jana "Aray ah masakit yun bakit ka ba nangbabatok?" inis na tanong ko sa kanya at umiling iling naman sya. "Anong isang gabi? Excuse me? Hello one month ka pong di gumising." Tapos umirap naman sya kaya naman napanganga ako. "Huh? Seryoso?" tanong ko. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko isa isa at saka naman sila nagnonod kapang napapatingin ako sa kanila at halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang calendar sa tabi ng bed ko at talaga nga one month. "Hala pano yan may one week na lang ako para makapag aral?" naiiyak kong tanong sa kanila. Nagkatinginan naman sila at saka nagsihagalpak ng tawa at nag asaran lang naman kami hanggang sa mag seven na at naglakad na kami papunta sa classroom namin, marami ang nakatingin sa amin. May ilang nasisiyahan na nagising na ako may ilan namang hindi. ~~*****~~ Hanggang ngayong tapos na ang class hindi pa rin talaga ako sanay sa atensyon na nakukuha ko mas grabe pa to sa una kong naranasan ng mapasali ako sa Chosen. "Okay ka lang?" tanong sakin ni Jana at nag nod naman ako "Eh bakit naman parang hindi?" "Wala na ba akong matatago sayo?" natatawa kong sabi "Wala na Ly, kilalang kilala na kita" "Yeah whatever. Kinakabahan ako mamaya Ja" "Bakit naman?" halata pa rin sa mukha nya ang pag alala. "Kinakabahan ako na makausap si Queen Anesthesia ni hindi ko nga alam kung bakit sinabi ni White yun eh" nagmamaktol na sabi ko. "Pwede mo ba akong samahan?" tanong ko naman sa kanya at ngumiti sya. "Sure" Nandito na kami ngayon sa harap ng office ni HeadMistress Chiaka at pagpasok namin pumunta pa kami sa isang room kung saan nandoon ang Conference room at pagpasok ko para akong maso-suffocate sa sobrang lakas ng energy. Hinanap ko kung sino ang may ari at nakita ko si Queen Miyu na nakaupo sa pinaka gilid at ngumiti naman sya saka nawala ang hirap ng hininga na nakuha ko. "Queen Miyu naman grabe naman ang pagwelcome mo sakin" sabi ni Ja. "Sa atin" napatingin naman kami sa likod namin at nandoon din sila kasama ang Royalties. Pinapasok kami at nakita ko naman si Mommy na nakaupo kaya lumapit ako sa kanya at niyakap sya sa tabi na rin nya ako umupo para naman kumalma ako at hindi na kabahan, nasa tabi ko naman si Jana. Nasa isang helera lang kaming Chosens at Royalties at sa harap naman namin ang Chosens na nauna sa amin which is mga kapatid ng mga Chosens ngayon maliban sa akin. Pero hindi lang sila ang nandoon dahil nandito din ang mga Reyna ng Pilar. Anim sila at ang elegante nilang tingnan halata din sa mga mukha nila ang ganda nila, natural hindi naman sila magiging ganyan ka ganda kung pangit sila. Ano ba naman yan Lily anong nangyayari sayo? Napatingin ako kay mommy ng hawakan nya ang kamay ko kaya naman napangiti ako sa kanya at ganun din sya sakin na parang sinasabing okay lang ang lahat. "Ikaw ba ang nanay ni Lily?" tanong ni Queen Anesthesia at nag nod naman si mommy "So ikaw ang naging asawa ng kapatid ko?" nag nod na naman si mommy "Ikaw ang naging asawa ni Taki?" "Taki?" takang tanong naman ni mommy "Yan ba ang tunay nyang pangalan?" naiiyak na tanong naman ni mommy at nag nod naman si Queen Anesthesia "Aoi Takimi White ang pangalan nya" Halos mapanganga kami ni mommy. Aoi. That's what's my dad's name. "I have to tell this to my mom. I'm sure na magugustuhan nya ang balitang to" sabi ni Queen Anesthesia. "Excuse me" napatingin naman kami kay Queen Miyu "Sa tingin ko hindi pa ito ang magandang oras para sabihin sa Previous Snow Queen Akane ang tungkol dito" "Pero Queen Miyu di ba po mas mapapabuti sya kasi gagaling agad?" takang tanong naman ni Queen Flaire. "No. May misyon pa sila dahil sila ang nanalo sa Team battle." sabi ni Queen Miyu at wala namang nag object sa kanya "The Angels, we need to save the Angels first. Nasave ko na ang mga Nonentity Princesses na makakatalo kila King Baal" "Kailangan na nating matalo sila dahil kung hindi tayo din ang mamimirwisyo sa mangyayari. That Angel Classification are forbidden kaya nilang patayin ang sino mang ANgel pag nagkataon" paliwanag naman ni Queen Regina. "That's why they are here. The teamwork of the Chosens and the Royalties may help us. Kapag natalo natin sila King Baal everything will be okay" sabi naman ni QUeen Miyu. Hindi kami nagsalita at wala din naman kaming balak magsalita. Hindi ko alam pero ang pinagsama samang presensya nila ang hirap magsalita. "Excuse me po" napahinga naman kami ng malalim ng marinig namin ang boses ni Red "Sino naman po ang mga sinasabi nyo? I mean that King Baal and his Queen and what is Angel Classification and also why we need those nonentity princesses?" madaming tanong pa talaga pero yan ang pinaka importante. "King Baal and Queen Anael is the ruler of Angel's World, its a world where they all failed of being a guardian angel. Queen Anael and King Baal won the Angel's Throne that is why they are the ruler. Naging mapag abuso sila sa kapangyarihan and they dont want to end their legacy kaya naman pinapatay nila ang mga nonentity Princesses but good thing na nandoon ako bago mangyari yun. And also" tapos tumingin samin si Queen Miyu, hanggang matutok sakin at sa mommy ko ang tingin nya "Hawak nila si King Taki" Hawak nila si daddy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD