CHAPTER EIGHTEEN
∞Meeting her∞
Naglalakad kami ni Jana papunta sa canteen dahil sa nagugutom daw sya at wala daw syang paki kung nagstart na ang class ewan ko ba sa babaeng to pag gutom talaga walang paki sa mangyayari sa kanya basta makakain sya. Napatigil naman kami ng makarinig kami ng tawanan, nasa harap pa lang kami ng pinto ng canteen pero naririnig na namin ang tawanan nila yung para bang may pinaglalaruan sila.
Nagkatinginan kami ni Jana na parang nagsasabing ano yun pero parehas naman kaming napakibit balikat kaya binuksan na lang ni Jana at sumunod naman ako sa kanya nung pumasok sya, nagsitinginan nga samin ang mga student at natahimik eh. Napatingin naman kami doon sa circle at may parang may nangyayaring hindi maganda hanggang sa nakita ko ang babae nakaupo at punong puno ng ketchap. Pupuntahan ko na sana ng pigilan ako ni Jana.
"What is the meaning of this?" cold nyang sabi, like her sister.
"Nagkakatuwaan lang naman kami Miss Jana" sabi ng isang babae na nasa center of circle actually apat sila isang nakaupo at tatlong nakatayo.
"Did you know that bullying someone is forbidden?" kalmadong tanong naman ni Jana.
"Pag gumamit lang naman ng power yun forbidden ah" sabi pa ng isang babae.
"When Headmistress Chiaka said that Bullying someone if forbidden she doesn't mean for using power, she doesn't even classified it. It means either of two, with or without power is forbidden"
"Bakit ba napakagoody goody mo?" mataray na sabi ng isang babae.
I sense fear in my surroundings and this girl, she's Veron ang makakalaban namin sa team tournament. Hindi ko nga lang alam kung bakit hindi ako natatakot sa kanya yung feeling na kayang kaya ko sya pero imposible naman.
"I'm not using my goody side here I'm reminding you miss, if you continue this you and your team will be disqualified in team tournament."
Nakipagtitigan yung leader I mean si Veron kay Jana at saka tumitig sakin at tinaasan ko naman sya ng kilay at napangisi naman sya na parang may naisip na kung ano but too bad alam ko na agad base sa pagkakita ko sa aura nya.
"If may gagawin ka mang hindi maganda sa pagtulog namin huwag mo na ituloy dahil panigurado nakabantay sila Head Mistress" nakangiti kong sabi at kumunot naman ang noo nya at napalitan ng inis.
"Kahit kelan wala talaga kayong ginawang maganda Chosen" at umalis na sila.
Lumapit naman ako doon sa babaeng kanina na punong puno ng ketchap at kinuha ko ang panyo ko saka pinunasan ang mukha nya nakita ko naman ang gulat sa mukha nya at naiyak sya.
"Shh~ you need to be strong para hindi ka na nila ganyanin." bulong ko sa kanya at binigay ko sa kanya ang panyo ko at saka tumayo "Mauna na kami nagugutom na yung isa eh" at nag nod naman sya.
Pagdating ko sa pwesto ni Jana ay nakita ko na syang kumakain kaya naman nag order muna ako saka ako umupo sa inuupuan nya at napatingin naman sya sakin.
"Bakit?" tanong nya sakin at kumunot naman ang noo ko.
"Anong bakit?" tanong ko rin sa kanya pabalik at napairap na naman sya "Isa pang irap susundutin ko yang mata mo"
"Whatever"
"Anong bakit nga?" tanong ko ulit sa kanya.
"Bakit mo gustong tulungan ang babaeng yun?" tanong nya naman sakin at ngumiti ako sa kanya.
"I used to be her when I'm in mortal world. Binubully din ako gaya ng ginawa nila sa babae kanina I was useless and helpless like her but the difference is nobody help me" tapos tumingin ako sa kanya at nakita ko ang gulat sa mukha nya "Hahaha what's with that look?"
"I didn't know"
"You didn't ask" at nag pout naman sya saka dumating ang pagkain ko.
---
Pagdating namin sa classroom ay kakatapos lang ng first subject namin napasarap kasi ang kain namin ni Jana at talaga nga naman oo ayan na naman pinagtitinginan na naman kami at pinagbubulungan, ewan bulungad daw tawag dun eh dinig na dinig naman namin. Tiningnan naman sila ng masama ni Jana kaya naman napatahimik sila.
"Saan kayo galing?" tanong ni Naomi sa amin.
"Cafeteria" sabay naming sabi ni Jana.
"Ano nagkahawaan na ba ng virus dito at pati si Lily naging gaya na ni Jana?" naiiling at natatawang sabi ni Nexi.
"Eh kasi-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may marinig kami.
"Papunta dito sila Veron" sigaw ng classmate namin.
Nagkatinginan naman kami saka sila nagkibit balikat kami naman ni Jana nagkatinginan at saka kami tumingin sa classmates namain at nakita namin ang takot sa mukha nila nakita ko rin ang takot sa aura nila. Hanggang sa pumasok na ng tuluyan sila Veron at dahil kaming Chosen lang ang nakatayo sa taas na parte ng classroom, pataas kasi to, kaya naman nakita nya agad kami.
"Anong kailangan nyo?" walang ganang tanong ni Miko.
"Oh hi Miko" sabi naman ni Veron at kumindat napataas naman ang kilay ko "Oh selos agad Lily?" mas lalo namang tumaas ang kilay ko saka tumawa "Anong nakaktawa?"
"Ikaw" agad namang sagot ni Jana.
Seryoso wala ba syang balak pagsalitain ako kapag nandyan si Veron napapout na lang ako habang nakatingin sa kanya at tiningnan na naman ako ng masama nag tongue out lang ako sa kanya at inirapan nya naman ako.
"WHAT?"
"Hindi ka pwede pumunta dito para lang maghanap ng away" and sa wakas nagsalita na rin si Kenji.
"Hindi naman kamipumunta dito para makipag away" nakangising sabi ni Veron.
"Eh anong pinunta mo dito?" bored namang sabi ni Masha habang inaayos ang buhok nya.
"Pag kakausapin mo ako dapat nasakin ang tingin mo" inis na sabi ni Veron.
"Asa ka pang kausapin ka ng matino nyan, now spill it out" kalmado pero may halong pagbabanta ni Nexi.
Ako, si Kenji, Gelo at Miko ang hindi nag sasalita feeling ko kasi ayaw nila kaming magsalita ano bang mangyayari kung magsasalita kami? Wala naman eh. Hindi naman kami natatakot sa kanila kaya hindi din kami mauutal eh bakit kaya?
"I will beat you all tatalunin namin kayo sa competition" madiing sabi nya at halos lahat napanganga pero maliban sa aming Chosen.
Paalis na sana sila ng makita ko ang pamilyar na mukha teka saan ko nga ba sya nakita? Isip Lily kung saan mo sya nakita habang hindi pa sya naalis.
Nakita mo sya sa tuktok ng Academy habang nag paplano kayo. Nakikinig sya sa usapan nyo.
Napangiti naman ako.
"Wait" sabi ko naman at tumigil sila sa paglalakad nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sila "Tama bang maghamon ng alam ang plano ng kalaban?" tanong ko with an innocent look.
"Anong ibig mong sabihin?" sabi naman ng isang lalaki.
"Well you see habang nagpaplano kasi kami may naramdaman akong nakikinig samin too bad I can sense HIM" sabi ko at tumingin sa lalaking may kapangyarihang hangin "Di ba Joel Marcel?"
"Well you see habang nagpaplano kasi kami may naramdaman akong nakikinig samin too bad I can sense HIM" sabi ko at tumingin sa lalaking may kapangyarihang hangin "Di ba Joel Marcel?"
Nahalata naman ang gulat sa mukha nya at binatukan sya ni Veron saka sila umalis. Napaupo naman ako dahil feeling ko nagagamit ko ang kapangyarihan ko. Feeling ko nanghihina ako.
----
Veron's POV
"Akala ko ba gagamitan mo sila ng kapangyarihan?" tanong sakin ni Joel ang best friend ko sa Academy na to.
"Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko magamit ang kapangyarihan ko eh." naiinis na sabi ko naman.
"Ako rin hindi ko maramdaman ang lupa sa loob ng classroom nila" sabat naman ni Micheal
"Ako rin hindi ko maramdaman ang lupa sa loob ng classroom nila" sabat naman ni Micheal
"Magsitigil kayo naiirita ako" sabi ko naman at hinawakan ang stress ball ko. "Mimi and Nana pumunta kayo mamaya sa dorm ko ah?"
"Mimi and Nana pumunta kayo mamaya sa dorm ko ah?"
"Okay no problem" sabi naman ni Mimi
"Sure thing" dagdag naman ni Nana.
Tiningnan ko naman si Joel at napakunot naman ang noo nya dahil sa sinamaan ko sya ng tingin
"Bakit?" tanong nya at umirap ako saka bumuntong hininga.
"Ikaw nagpapahalata ka masyado kung magmamanman ka man sa kanila galingan mo naman langya" inis kong sabi at nag pout sya "Huwag mo kong mapout pout jan tanggalin ko yang labi mo" sabi ko at umalis na.
Matatalo namin kayo Royalties and Chosen.