Pinabuksan ako ni Austin ng pinto ng kotse n'ya. Pumasok ako don at tinext si Tita Mj na pupunta ako sa kanila. Tumingin ako sa bintana ng kotse at walang nakasunod don. Mismo bodyguards n'ya ay wala. Nakarating kaming ligtas kela tita Mj. Wala na talagang body guards. Sana makuha n'ya na ang gusto ko talaga sabihin. Kailangan n'ya tulungan ang sarili n'ya at ang kapatid n'ya. Nang makapasok kami Tita Mj was shocked to see me with Austin. I smiled at her. Mukang walang sinabi ni Lander sa kan'ya dahil gulat na gulat s'ya na makita akong kasama 'to. "Tita Mj, kaibigan ko po si Austin." nakangiting pag papakilala ko dito pero tulala pa rin s'ya at mukang talagang gulat na gulat. "MIMI!" napangiti ako ng makita ko ang anak ko na naka Diaper lang. Hindi ko maiwasan matuwa sa ayos nito