It's a typical Monday morning for Ryan who's currently practicing soccer together with his friends at the SMU field. Hindi siya dapat kasali sa team na iyon ngunit pinilit niya ang kanyang sarili para lang may mapatunayan sa kanyang mga magulang. That he can do more and better than their favorite son, his Kuya Elijah. Malalim siyang napahugot ng hininga saka pinasa kay Simon ang soccer ball na pinasa naman nito kay Michael saka muling binalik sa kanya na pinilit agawin ni John. Iyon lang gawain nilang apat sa field kapag may oras pa sila. Kakapanalo lang nila sa game kalaban ang ibang school at wala ni-isa sa mga magulang niya ang naka-nood. Abala kasi ang mga ito sa graduation ng kanyang Kuya. Dumalo ang Ate Raina niya saka si Timmy kaso kulang pa din. He wanted his parents to see him th