"The baby is very healthy and active," sambit sa kanya ng kapatid matapos ma-ultrasound. Binigyan siya nito ng wipes upang punasan ang gel na nilagay nito sa kanyang tiyan. Kasalukuyan siyang nasa ika-anim na buwan ng kanyang pag-bubuntis at medyo nahihirapan na dahil sa laki ng kanyang tiyan. Kinuha ni Ryan ang wipes sa kanya at ito na ang nagpatuloy ng pagpupunas ng gel sa kanyang tiyan. "talaga bang wala kayong balak na sabihin kahit kanino muna ang gender ng baby niyo? Nahihirapan na ako magsinungaling kay Daddy na sobrang excited na makita ang apo niya." Napatingin siya sa asawa niya saka ngumiti. Inalalayan siya nitong makabangon at maayos na makaupo saka binaba ang suot niyang maternity dress. Talagang umuwi pa sila sa Manila para lang magpa-check up at doon din naman siya sa SMU