"Drink your meds on time, hmm? Yung pagkain mo, iinit mo na lang sa microwave oven natin," Mga biling binitiwan ni Yngrid kay Ryan habang nagsusuot siya ng sapatos. "Baka kumatok yung tiga-hatid ng monthly dues ito yung pambayad doon," Nilabas niya sa isang drawer yung sobre kung saan niya nilagay ang perang pambayad sa monthly dues. Mayroon siyang limang iba-ibang sobre at sa loob ng mga iyon hati-hati niyang nilagay ang unang sahod na natanggap niya nung nakaraan. Yung para sa pamilya niya, naibigay na nung nakaraan weekend at nagawa pa niyang ilibre ang mga ito na kumain sa labas. Tuwang tuwa nga ang Daddy niya dahil kahit hindi naman siya ino-obligang magbigay ay nag-abot pa din siya dito. "Why I didn't know that I have monthly dues here?" Takang tanong sa kanya ni Ryan. It's a new p