Jane's POV "Hans, nakakahiya. Mauna ka na." sabi ko kay Hans pagbaba namin ng sasakyan sa parking ng school. "Kinakahiya mo ko?" pagmamaktol niya. "Hindi ah. Eh kasi baka pagtinginan tayo." "Eh ano naman? Kinakahiya mo talaga ako." sabi niya at padabog na naglakad palayo pero wala pang 10 seconds at mabilis siyang bumalik. "Joke lang!" natatawang sabi niya at inirapan ko siya. "Baliw!" "Tara na kasi! Hahatid lang kita hanggang sa gate niyo." "Sige na nga." Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami hanggang sa gate. "Hug ko?" Inextend niya yung arms niya as sign na gusto niya ako i-hug. Napatingin pa ako sa paligid at napapatingin sa amin yung mga tao. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa boyfriend ko? Niyakap ko siya ng mga five seconds at nung bibitaw na ako ay hini