Jane's POV Halos isang oras din kaming nakaupo sa garden at nagusap. Damang dama namin ang lungkot ng isa't isa. "Oh wait, I just need to get something." Balak ko kunin yung cake na ibibigay ko kay Hans. Pagpasok ko sa loob ay napahinto ako dahil narinig ko ang pinaguusapan ni Auntie at Doctor Jim. Parang may pinagtatalunan sila. "Please Mon! I'm begging you! Maawa ka sa bata!" sabi ni Doctor Jim. "Maawa? Are you insane? Wag mo kalimutang damay ka dito!" "But I can't do this anymore! Nakukunsensya na ako!" "Nakukunsensya?" natatawang sabi ni Auntie. "Hindi ba kaya mo 'to ginagawa para makuha din ang ibang asset ng Salazar?" Napatakip ako sa bibig ko dahil baka hindi ko mapigilan ang paghikbi ko. Naiiyak nanaman ako kahit hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil kay Doctor Jim na