Jane's POV "Ang kulit mo naman Hans eh! Ano ba! Wala ka bang klase?!" inis na sabi ko kay Hans dahil kanina pa siya sunod ng sunod habang pauwi ako. Mula nung pinuntahan niya ako kaninang umaga dito ay hinintay niya ako hanggang uwian ko. "Gusto lang naman kita makasama eh. Bakit ba ang harsh mo na sa akin?" pagdadrama niya pero agad din siyang ngumiti at kinuha ang bag ko "Hoy! Akin na nga yan! Kaya ko naman dalhin yan eh." Umiling iling siya at iniwas palayo sa akin ang bag ko. "Nagpapaka-gentleman na nga eh." Napaikot ang mata ko dahil sa kakulitan ni Hans. Hinayaan ko na lang siya na bitbitin ang bag ko hangang sa makarating ako ng bus stop. "Akin na yang bag ko. Sasakay na ako." Inabot niya ang bag ko sa akin at umakyat na ako sa bus. Nagulat ako nung sumunod siya sa aki