JANE's POV "Hey.. Wake up." Nagising ako at medyo nagulat ako nung makita si Hans. Tsaka ko lang naalala yung mga nangyari. Sumama nga pala ako sa kanya kanina. "Asan tayo?" tanong ko sa kanya. "Look." turo niya sa labas at napanganga ako nung makitang malapit kami sa dagat. "Let's go?" Tumango tango ako at agad na bumaba. Mabilis akong tumakbo sa buhangin hanggang sa umabot na ako sa maliliit na alon. Hinubad ko ang sapatos ko at tanging talampakan ko lang ang nababasa. "Para kang bata na nakalaya ah" nakasunod na pala siya sa akin. "Matagal tagal na rin nung huling makapunta ako sa dagat." "Feeling free?" "Yes. Parang nakatakas ako sa lahat ng problema. Thank you so much." "No problem. Come on, sit." Hinila niya ako paupo sa sand. "Do you want to date me?" Kung may iniino