CHAPTER 3

1055 Words
Jane's POV "Please.. Magpapaliwanag ako. Listen to me.." Nanginginig ang mga tuhod ko. Naiiyak na rin ako. Hindi ko inaasahang makikita kong magkaganito si Drick. Hindi ko inexpect na mahuhuli kami. Nahuli kami ng girlfriend niyang si Nadya na  nagsesex. Hindi namin inexpect ni Drick na uuwi si Nadya from her out of the country trip. "Nadya.. Listen to me. Please.." Umiiyak lang si Nadya. Umiiyak din si Drick. Kasalanan ko 'to. "I hate you!" sabi ni Nadya at sinampal si Drick. "Nadya.. Wag please. Ako na lang, ako ang namilit kay Drick." umiiyak na sabi ko. Tiningnan naman ako ng masama ni Nadya. "How dare you!" sabi ni Nadya at pati ako ay sinampal. Tinanggap ko ang sampal na 'yon. Deserve ko 'to. Kulang pa 'to sa nagawa ko. "Tinuring kitang kaibigan! Inintindi kita! Inintindi ko yung pagdikit dikit mo sa boyfriend ko! Dahil naaawa ako sayo! I even trusted you, kasi alam kong hindi ka ganyang klaseng babae. Pero nagkamali ako! I hate you! Magsama kayong dalawa!" sabi ni Nadya at lumabas ng condo ni Drick. "Nadya! Nadya!" sigaw ni Drick at mabilis niya itong sinundan. Napaluhod naman ako dahil tila nanghihina ako sa mga nangyayari. "Kasalanan ko 'to.. Kasalanan ko 'to." Hindi ko na napigilan ang matinding pag-iyak ko na kanina ko pa pinipigilan. "I ruined everything.. Especially him." Sampung minuto ang lumipas ay bumalik si Drick na mugtong mugto ang mata. Blangko ang itsura niya na tumingin  sa akin at umupo sa harapan ko. "Stop crying.." Pero lalo lang akong naiyak. Nakita kong napahilamos siya sa mukha niya. "Kasalanan ko 'to Drick.." "Yeah.. Parang ganun na nga." sabi niya at napatingin ako sa kanya. "But I was a part of it. I could've end it, but I didn't." "Drick.." "Don't be too amazed with what I am saying, don't give too much meaning to it. Sinasabi ko lang 'to dahil ito ang totoo but not to comfort you. Hindi ko ugaling isisi sa isang tao ang lahat when I'm actually a part of it." Tumango tango ako. Hahawakan ko sana ang kamay niya pero tinabig niya iyon na ikinagulat ko. "Wag mo kong hawakan.. Umalis ka na dito. I'm sorry pero ayoko na. Maghanap ka na lang ng iba kung tawag lang ng laman ang kailangan mo.. Let's end everything here, kahit yung friendship natin." Tumango tango ako at patuloy sa pagtulo ang luha ko. "I understand.." Lumabas na ako ng condo niya at alam ko sa puntong 'to, iiwanan ko na ang lahat. Bye Drick, I'm sorry. Hindi ako umuwi. Nagpakalasing ako sa isang bar. I felt different. I felt lost. I wasn't myself anymore. Noon hindi ako naniniwalang nakakatulong ang alak sa problema but somehow, after trying it, tama nga yung sabi ng iba. Parang kahit papano ay nakatakas ka sa reyalidad ng buhay. Pagewang gewang ako sa kalye at hindi ko na alam kung nasaan ako. Napakadilim. Wala ng katao-tao. Hindi na safe at alam ko yun. Pero gaya nga ng sabi ko kanina, hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. Hanggang sa napadaan ako sa isang grupo ng mga tambay at napatingin sila sa akin. "Hi Miss!" sabi nung isa at hinawakan ang kamay ko. "Wag mo ko hawakan!" inis na sabi ko at tumawa lang sila. Hanggang sa isa-isa na silang humawak sa akin. "Bitawan niyo ako!" pumipiglas ako pero wala na akong lakas. Masyado akong lunod sa alak. Until everything went black. Nagising ako sa sakit ng ulo. Napatigil pa ako nung mapansin ko ang paligid ko na iba. Hindi ko 'to kwarto. Bigla akong kinabahan. Dali-dali akong napatingin ako sa suot ko. Hindi ito yung suot ko kagabi. Nakasuot ako ng shirt na sobrang laki. "Good morning." Nanlaki ang mga mata ko nung makitang may lumabas na lalaki sa banyo at mukhang bagong ligo. Nakatapis lang siya ng twalya kaya napaiwas ako ng tingin. Pero ang mas nakakagulat pa ay kilala ko ang taong 'to. "B-bakit ako nandito?" "I saw you on my way from somewhere, and nakita kitang pinagtitripan ng mga tambay. I just saved you." "T-thank you." nahihiyang sabi ko. "P-pero yung damit ko paano-" "Binihisan kita." Deretsong sabi niya at nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "B-bakit?!" "Nagsuka ka so.. I changed your clothes." "T-then nakita mo-" "Yes. I saw everything. I won't deny that. But that didn't make me hot. Tulog ka eh, so wala akong naramdaman. It was just a naked body of a drunk woman. Nothing special." Ang sungit naman ng taong 'to. Ang cold nila magsalita. He's not even looking at me. "But.. It's okay if you want to do it now." Sabi niya at napayakap ako sa sarili ko. "W-wag. Uuwi na ako." sabi ko pero bigla siyang tumabi sa akin at pumatong sa akin. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko at nalulunod ako sa titig niya. Sobrang ganda ng mga mata niya. Napapikit ako nung halikan niya ang labi ko. Napaka-gentle niyang humalik, ang gaan. Napadilat ako nung marealize ko ang ginagawa niya kaya agad akong bumitaw sa halik niya. "Wag.. Hans." Napahinto siya at umalis sa pagkakapatong sa akin atsaka umupo nalang sa tabi ko. "Do you know me?" "Everybody knows you kapag sa West University ka nagaaral." Napangiti siya at tumingin sa kisame. "So.. You go in the same university." "Magbibihis na ako." Tumango tango siya at tumayo na rin. "Let's not get involve with each other anymore. Pretend like nothing happened. Change, get your things and leave." Ang bilis magswitch ng personality niya from cold to mapang-asar to sexy to cold ulit. "Noted." sabi ko at sinunod ang sinabi niya. So this is where he lives. The Hans Olivio that everybody knows. Nakakahiya dahil siya pa ang nakakita sa akin. The son of Mr. Hermes Olivio, the owner of our university. Mabilis akong lumabas ng banyo at bumungad naman siya sa akin na nakaupo sa couch at nakabihis na. "A-aalis na ako." nahihiyang sabi ko. "S-salamat nga pala." Tumingin lang siya sa akin kaya tiningnan ko rin siya. Umiwas naman siya ng tingin bigla. "Just go." sabi niya. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas na. Bumuntong hininga ako palabas at nagpapapadyak sa kahihiyan. "Shet! Ano bang ginagawa ko sa buhay ko?!" Inis na sabi ko sa sarili ko. I'm very disappointed with myself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD