Gabi na ngunit wala pa ring Darius na dumarating kaya hindi mapakali si Kendra. Hindi dahil natatakot siyang baka maakit ito ng sekretarya nito kundi natatakot siyang baka sa sobrang subsob nito upang ibangon ang kompaniya nito ay makalimutan siya nito. Mula pa kasi nang umalis ito ay ni text o tawag ay wala siyang natanggap buhat rito. Parang gusto niya tuloy magtampo. Ngunit kapag naalala ang sinabi ng Mommy nito ay nawawala rin iyon. Hindi iyon ang kailangan nito kundi pag-unawa buhat sa kaniya. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng ugong ng sasakyan kaya agad siyang napatayo sa kinauupuhang kama. Napuno ng galak ang puso na baka ito ka ang dumating kaya agad na inayos ang sarili saka lumabas ng kanilang silid. Pababa pa lamang siya ng hagdan ng pakita si Dania na papasok sa malaking