Abala si Darius sa kaniyang opisina nang bulabugin siya ng katok buhat sa pintuhan. “Yes?” agad na turan at doon ay nakitang sumungaw ang mukha ni Cedric. Napatigil siya sa kaniyang ginagawa ng makita ang kaibigan ng asawa na ngayon ay kasintahan na ng kaniyang kapatid. “What brought you here, Mr. Fariñas?” pormal na wika. Nakitang may nilapag ito sa kaniyang mesa bago umupo. “May nagbabanta ba sa buhay mo?” anito. Napatigil siya sa akmang pagpirma sa ilang papeles at tuluyang nabaling dito ang kaniyang pansin. Maging sa papel na nilapag nito. May pagtataka man ay kinuha iyon. "Kilala ko kung sino ang gustong magpapatay sa'yo, Mr. Mauritius," basa sa papel na nilapag ni Cedric. Sa nabasa ay agad itong tinignan. “S—saan mo nakuha ito?” maang na tanong dito. Matiim ang titig nito sa kani