“Wait! Wait! Konti pa, mga tatlong hakbang pa,” hagikgik na turan nila Dania at Erika. “Ano ba kasi ito, bakit may piring pa?!” natatawang tugon sa kanila. “We’ll, since hindi natin ginawa ito noong una kayong kinasal ni Kuya noon ay naisipan namin ni Erika na surpresahin ka,” ani ni Dania sabay tanggal sa piring niya at ganoon na lamang ang gulat niya ng makita ang dalawang malalaking box. “Ano ito? Stag party?! Wait, sasabihin ko sa inyo. Kasal na kami ni Darius at—” putol na turan nang biglang may tumugtog ay napatili sila Erika at Dania. Bumukas ang dalawang malalaking regalo at lumabas mula roon ang dalawang topless na lalaki at naka-maong pants. Bukod doon ay nakasuot ng maskara ang mga ito. Naiiling na napatingin kila Erika at Dania na tila tuwang-tuwa pa nang lumapit sa kanil