Chapter 47:

2548 Words

Yayayain sana ni Darius ang mga kaibigan upang lumabas muli pero naisip na ayaw niya muna niya ng makakasama. Gusto niyang mapag-isa at limiin ang sarili sa mga nangyayari. Kaya imbes na sa resto-bar ng tiyuhin ng kaibigan magpunta ay sa ibang bar siyang nagtungo dahil baka naroroon ang pinsan nitong si Cassie ay tiyak na sabihin nito sa kaibigan at puntahan pa siya. Iwas na muna siya. Medyo malalim na ang gabi nang makitang tila maingay na ang lugar. Mas maingay iyon kaysa sa resto-bar ng tiyuhin ng kaibigan dahil may live band na tumutugtog at maraming kababaihan ang naroroon. Sa pinakasulok siya napaupo. Sa may counter lang dahil ayaw niyang masyado siyang napapansin. Ayaw niya muna ng kahit anong disturbo. Agad siyang um-order ng martini sa barista at agad naman siyang sinalinan ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD