Matatalas ang mga mata ng kapatid na nakatitig sa kaniya. Sa mga mata nito ay mababakas ang pang-uusig dahil sa kinahinatnan ng lahat. Hanggang sa makita itong lumapit sa kaniya. "Ano? Ganiyan ka na lang ba? Wala ka bang gagawin? Kuya, kailangan ka ng PIFC. Lahat sila ay nagtatanong na kung nasaan ka?!" inis nitong wika sabay ng matiim nitong pagtitig sa kaniya. "Huwag mong hayaang mawala ang lahat ng sakripisyo mo," paalala pa nito saka tuluyang umalis. Napasapo na lamang si Darius ng mukha. Wala siyang nagawa kundi magpahinga na muna at bukas na lamang papasok. Gulong-gulo siya kung ano ang kaniyang gagawin. Gusto niyang puntahan si Kendra pero ayaw niyang sumuway sa pinangako sa Papa nito. Paalis na si Dania sa condo ng kapatid ng mamataan ang isang lalaking paparating. Maging ito ay