Napalunok si Erika nang makita ang titig ni Christiano sa kaniya. Habang tumatagal ay tila gumuguwapo ito sa kaniyang paningin. Bago pa man tuluyang maipagkanulo ang sarili ay nag-iwas na siya ng tingin dito. "Na—nakita kong may kausap ka sa baba," pukaw rito upang mabaling ang pansin nito. Para kasing iba na ang pakiramdam kung patatagalin pa ang tinginan nila. "Ah, oo. Sila Cedric at si Mr. Galvez," tugon ni Christiano sa tanong ni Erika. "Kinuha iyong box upang ipasuri at makakuha ng ebidensiya. Kailangan natin ng direkta o konkretong ebidensiya kung maghahain tayo ng complaint against Pauleen," dagdag pa. Tumango-tango si Erika. Kilala niya si Mr. Galvez. Ito ang private investigator ni Darius. Nang maalala ang mga ito ay hindi maiwasang usisahin pa lalo si Christiano. "Alam ba nil