DAHIL sa takot ay tumakbo palabas ng kuwarto si Ella, na hindi na pinagka-interesan kung sino ang pumasok sa banyo ng kuwarto niya. Ngunit nanginig siya nang mamataan ang lalaking nakahandusay sa gitnang baitang ng hagdan. Duguan ito at butas ang kaliwang dibdib. “M-Mama!” sigaw niya. Natatakot siyang bumaba sa isiping biglang babangon ang ‘di kilalang lalaki. Ganoon na lang ang gulat niya nang may kamay na sumampa sa balikat niya. Paglingon niya’y si Devey. Walang pag-aatubiling yumakap siya rito. Basa ang mga kamay nito at may mantsa ng dugo ang abuhing kamesita nito. Napaluha siya dahil sa tindi ng kaba. “You’re safe, honey. Mabuti dumating ako bago ka pa atakehin ng lapastangang lalaki na ‘yan,” ani Devey. Hinalikan siya nito sa noo. Kumalas siya sa pagkakayakap dito. “A-anong gina