Chapter 11

3130 Words

PAGDATING sa bahay ni Devey ay inatupag kaagad ni Ella ang mga gamit niya na nagkalat sa sala. Pinabuhat niya ang mga maleta niya kay Devey at dinala sa kuwarto nilang napakalaki. Sa laki ng kama ay puwede na silang magsayaw ng chacha roon. May mini sala ang kuwarto at may extension para sa study room. Maluwag ang banyo na may magarang Jacuzzi. Pero ang mas umagaw sa pansin niya ay ang mini garden sa terrace ng kuwarto, kung saan natatanaw ang malawak na karagatan na may maliliit na isla. Sa hardin ay puro pulang rosas ang tanim. Halatang matagal nang naitayo ang dalawang palapag na bahay na iyon dahil ginagapangan na ng damong berde ang mataas na pader. Matatarik na rin ang punong kahoy na nakatanim sa nasasakupan ng malawak na lupaing iyon. Hindi siya makapaniwala na naipundar ni Dev

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD