“So, have you noticed something? Or uhm are they here?” Kinagat ni Zachi ang labi at mas hinigpitan ang pagkakakapit sa leeg ni Ivo. They were already at the center of the ballroom, dancing. Hindi niya na maisip kung gaano na sila katagal sa ganoong posisyon. Mula kanina ay hindi na siya iniwan pa ni Ivo. Natatawa na lang siya pag iniisip iyong nangyari kanina. Ganoon pala kaseloso ang loko. Inasar-asar niya pa nga ito hanggang kanina. Bumuntong-hininga siya. Naramdaman niya ang paghapit ni Ivo sa kanya kaya mas lalo siyang napayakap dito. Mukha na nga talaga silang magkayakap doon. Nakita niyang inilinga ni Ivo ang tingin sa paligid. Nangunot ang noo nito. “Honestly? I haven’t seen anyone related to them yet,” anito. Ngumuso si Zachi at saka marahang tumango. “So, hindi isa sa m

