“You didn’t have to be so mean about it, Zach,” sambit ni Ivo kay Zachi nang makapasok sila sa opisina ng lalaki. Agad na kumunot ang noo ni Zachi at tiningnan ang boyfriend niya. “What?” takang tanong niya at saka sumalampak ng upo sa couch ni Ivo. Nilagay niya sa center table ang takeout niya at humalukipkip doon. Tiningnan niya si Ivo na noon ay nakangisi na sa kanya at saka nakahalukipkip na rin. Nakasandal na ito sa lamesa at nakatitig sa kanya. Kitang-kita niya ang amusement sa mukha ng magaling niyang boyfriend na para bang inaasar siya. “I wasn’t rude kaya!” sambit niya pa at saka umayos na ng upo at nilatag ang mga dala niyang pagkain. Narinig niya pa ang mahinang pagtawa ni Ivo sa kanya. “Seriously? ‘And I don’t need an appointment to see my boyfriend’ with emphasis on t

