“I just have a meeting to attend, uuwi na rin ako pagkatapos.” Ivo kissed Zachi’s forehead. Tipid na ngiti lang ang ibinigay niya sa lalaki bago bumaba ng sasakyan. Nasa harapan siya ng condo building nila ngayon. Instead of going to Fortejo Jewels, she chose to just work from home. Pakiramdam niya kasi doon na naman siya aatakihin ng kanyang panic attack. Nakagat niya na lang ang labi at saka kumaway sa kotse ni Ivo bago siya tuluyang pumasok ng building. Kasama niya pa rin ang kanyang mga guard, syempre. Pinalobo niya ang dalawang pisngi at saka kumapit nang mahigpit sa kanyang hawak na bag habang naglalakad siya papuntang elevator. Pagkapasok niya at napatitig na lang siya sa repleksyon niya sa salamin. Kinuha niya rin ang cell phone at tiningnan ang mga text ni Zara. Since nag-work

