“Aw, ang sweet naman,” asar pa ni Zachi kay Ivo nang paupuin siya nito sa kanyang upuan. Ivo has set a dinner date for the both of them. Candle-light dinner ang setup nilang dalawa. Ivo rented a whole floor in the resto below his condo. Hindi maalis-alis kay Zachi ang ngiti habang pinapasadahan ng tingin ang buong setup ng lugar. Lumabi pa siya at tumingin kay Ivo na noon ay nasa tapat na niya. “Well, with everything that happened and with work, we barely have this sit down and formal dinner date, you know,” nakangising sabi nito sa kanya. Bahagyang natawa si Zachi at napailing na lang dito. Huminga siya nang malalim at saka umiling ulit dito. Sinenyasan ni Ivo ang waiter na agad din namang lumapit sa kanila. Isa-isa ng ni-serve ang mga pagkain nila tapos on cue ay tumugtog naman a

