It’s Ivo’s second day in Sorsogon at dalawang araw pa nga lang ay miss na miss na ni Zachi ang kasintahan. Paano ba naman kasi, nag-extend ito roon ng ilang araw dahil nagkasanga-sanga na naman daw ang problema. Ay ewan na lang niya. Wala tuloy siyang choice kundi ibaon na lang ang sarili sa trabaho. Kung sinuswerte ba naman kasi siya at talagang nag-timing na ganoon ang nangyari. Napabuga na lang siya ng hininga at saka sumandal sa likod ng upuan. As usual, she was facing a pile of papers for their next release. She heaved a sigh and then checked the papers that she needed to sign for that day. Nasa gitna siya ng pagbabasa nang biglang tumunog naman ang cell phone niya. Nagkunot siya ng noo at agad na napatingin doon. It was Ivo. Nag-angat ang isang kilay niya habang nakatitig dito.

