Agad na napaayos ng upo si Zachi at napalingon sa tabi. Naabutan niya si Joseph na nakatingin sa kanya. Tumikhim siya at tipid na ngumiti sa kanya. “Ikaw pala,” sabi niya rito. Nangunot ang noo ni Joseph at bahagyang natawa sa kanya. “Kanina ko pa po kayo napapansin. Bakit parang malungkot kayo?” curious na tanong nito. Nagsalubong ang kilay ni Zachi. Humalukipkip siya at nag-dekwatro pa ng upo. “Curious na curious, ha,” sabi niya pa. Joseph just shrugged and chuckled a bit. “Di lang sanay. Mas sanay akong nakangiti ka,” nakangiting sabi nito. Nagkatitigan pa sila pagkatapos. Napalunok si Zachi at saka agad na nag-iwas ng tingin nang maramdaman ang paghaharumentado ng puso. ‘Really now, Zach? Oh god.’ Tumikhim siya at itinuon ang tingin sa harapan. “Uhm, w-well, it’s not ever