Mangiyak-ngiyak na si Zachi habang papunta sa sasakyan nila. Medyo malayo kasi ang parking lot at pakiramdam niya ay hindi na niya kakayanin kung maghihintay lang siya roon kaya siya na mismo ang dumiretso sa sasakyan sa parking lot. “Ma’am! Ano pong nangyari?” agad na salubong ng kanyang head. Mabilis na pumalibot ang mga kasamahang guard nito sa kanya. She was starting to breathe heavily already. Pakiramdam niya ay sobrang bigat ng kanyang pakiramdam at parang hindi siya makahinga. “L-Let’s go, please…t-tara na!” nahihirapang sambit niya at agad na tumalima ang mga ito. Narinig niya pang may niraradyuhan ang iilang mga kasamahan nito. Napabuntong-hininga na lang si Zachi. Yakap-yakap niya pa rin ang kanyang bag habang nanginginig ang katawan niya sa nerbyos at takot. Kinuha niya a

