“Ivo just talked to his private investigators. Magpapadala na rin daw ang mga pulis ng bantay rito sa bahay,” sambit ng ama ni Zachi nang nasa hapag na sila para sa hapunan. Umalis si Ivo at hindi pa rin bumabalik si Zero. “Are you sure Zero will be safe in the Montecarlos mansion, Mom? Dito na lang kaya rin sina Lola and Lolo?” Kinagat ni Zachi ang kanyang labi. “Ayaw nilang pumunta. You know how stubborn your grandparents are.” Umiling ang kanyang ina sa kanya. Namasahe na lang ulit ni Zachi ang ulo at siya bumuga ng hininga. “Alright, siguro double the security na lang there. And let us check them everyday na lang. May CCTV naman di ba, Mom?” “Yes, we already made sure of that, hija. No need to worry.” Ang mommy niya. Tumango-tango si Zachi at saka tumungo na para kumain. “It

