“Ivo, where are we going? Di ba your mom’s dead na?” tanong ni Zachi kay Ivo habang nasa sasakyan sila. Hindi agad sumagot si Ivo. Napasinghap na lang siya nang mapagtanto kung saan nga sila pupunta. “Omg! Are we going to the cemetery?! At this time talaga, Iv?!” hysterical na sambit niya. Saglit na nilingon siya ni Ivo bago ito marahang tumawa sa kanya. Napanganga na lang siya habang binabagtas nila ang daan papunta sa private cemetery. Hindi na nagreklamo si Zachi at sumunod na lang sa kaibigan. “Come on, Zach,” sambit pa ni Ivo sa kanya kaya sinamaan niya ito ng tingin. “Wait nga lang, kainis ka, I’m on my heels kaya!” reklamo niya pa. Kita niya ang pagkamot ng ulo ni Ivo bago siya nilapitan at inakbayan. Inalalayan siya nito papasok sa sementeryo. Malayo pa kasi ang mausoleum ng m