Hindi alam ni Zachi kung ilang oras ang naging operasyon basta pagkagising niya ay nasa tabi niya si Zasa at nasa pina-add nilang kama sa kwarto niya ang mga magulang. “Hey, Zas.” “Ate! Oh gosh, you’re awake na!” masayang sabi nito. “Mom, Dad!” tawag nito. “Hey, hey,” sita niya at inilingan ito. “Huwag mo nang gisingin. Okay lang naman ako,” paninigurado niya sa kapatid. Huminga nang malalim si Zasa. “Are you feeling okay na? Wala na masakit sa tiyan mo?” tanong pa nito. Pinakiramdaman niya naman ang sarili. Napahinga siya nang malalim at nakahinga nang maluwag. “Uhm yeah, I feel good. So, uhh, iyong doctor ko pala?” tanog niya pa. Ngumuso naman si Zasa. “Uhh babalik daw dito for the Post-op, Ate.” Tumango siya rito. “Alright. Thanks. Si Ivo nga pala, Zas?” Ipinikit niya ulit

