“Miss Zachi!” Agad na kumunot ang noo ni Zachi nang tawagin siya ng secretary ng daddy niya. “Yes?” sagot nyia rito at saka umayos ng upo. Nasa cubicle siya ng opisina nila. Habang abala ang ibang mga kasama niya sa bagong issue na inaasikaso ay wala naman siyang ginagawa, well at least until her father’s secretary came. “Pinapatawag po kayo ni Sir Zeron. Nandoon din po si Madam Zascha,” sambit nito sa kanya. Mas lalo siyang napakunot – noo. She got her bag and stood. Sumunod siya sa secretary ng ama. “Why is mom here?” tanong niya pa habang palabas sila ng opisina. Magkasabay sila papunta sa executive floor. “Hindi ko po alam, Miss pero sabay po silang dumating ng daddy niyo kanina,” sabi pa nito. Mas lalo lang tuloy nagtaka si Zachi. Napatango na lang siya rito. Nagtuloy sil