"Wow! Sana all may vacation," nakangusong sambit ni Zasa kay Zachi nang pumasok ito sa kanyang kwarto at saktong nag-eempake naman siya ng mga gamit. Sumalampak ang kapatid niya sa edge ng kanyang kama habang si Zachi ay nasa lapag at nag-aayos ng maleta niya. "We can go there if you want, sa christmas," sabi niya na lang dito. Sinimangutan lang siya ni Zasa. Napailing na lang siya sa kapatid niyang nagtatampururot. Hay nako. "Hmp. Sabihan ko nga si Mommy," sabi pa nito. Natawa na lang siya. "Edit sabihin mo kay Ivo na sasama ka sa amin, duh." Umirap siya rito. Suminghap naman ito sa kanya at nagtakip pa ng bibig. "At ano? Third wheel niyo ako? Luhh baka kung ano pang gawin niyo roon. Ayokong maging third wheel no!" reklamo nito. Umirap lang ulit siya rito. "Whatever. If you ju

