Hawak-hawak ni Zachi ang kanyang dibdib. Hindi niya alam kung saan na siya nakapunta basta panay lang ang lakad niya sa dalampasigan. Panay ang pagpapakalma niya sa kanyang sarili habang hawak-hawak ang kanyang dibdib. Napalunok siya at saka mariing pumikit. Nahigit niya ang hininga at saka siya tumigil sa paglalakad. Nakagat niya na lang ang kanyang labi. Narinig niya ang mga yapak ni Ivo na papalapit. Tatakbo na naman sana siya nang pigilan niya ang sarili. Mariin niyang kinuyom ang kanyang mga kamay. At that moment, she had already decided. Bakit nga ba siya tumatakbo? This is what she wants. This has been her plan, and she may be overwhelmed earlier, but now, she has the chance to say it. Dapat hindi siya magpatalo sa takot. Muli ay pumikit siya at mariing bumuga ng hininga. Rinig

