“Should I cook?” Ivo asked the moment they arrived at his penthouse. Agad siyang umiling dito “No need na. I have ordered na rin naman sa ibaba. Let’s wait na lang. I’ll help you unpack!” excited na sabi niya pa. Tinawanan lang siya ni Ivo. “Tsk. Excited ka kamo sa pasalubong ko,” anito. Ngumisi lang ulit siya rito. Iniwan na niya ito roon at dinala ang maleta nito sa sala. “Where dito?” nakangising tanong niya pa. Umirap si Ivo. “Ako ba talaga na-miss mo?” tila nagtatampong sabi pa nito. Si Zachi naman ang tumawa at umiling na lang. Binuksan niya muna ang mga maletang dal ani Ivo habang ang lalaki ay dumiretso muna sa kwarto nito para magbihis. She pressed her lips together as he started sorting out his things. Ang daming pagkain ng isang maleta at may mga figurines at keychain p

