“Mukhang patila na po ang ulan.” Agad na napatingin si Zachi sa labas nang sabihin iyon ni Joseph. Bumuntong-hininga siya at saka bahagyang tumango. “Hmm. Yeah, I guess so. Gosh, padilim na rin pala.” Nakagat niya ang labi nang makitang medyo madilim na ang langit. Binalingan niya si Joseph at tipid na nginitian. “Thank you for saving me today. I don’t know what to do talaga kung hindi ka dumating. Baka nag-hyperventilate na ako sa loob ng sasakyan.” Ngumuso siya. Ngumiti lang din ang lalaki sa kanya. “Nako, wala po iyon, Miss. Iyong kotse niyo po pala, tingnan na lang natin ngayon. Baka maayos ko pa. Pag hindi po, ihahatid na lang po kita tapos patitingnan ko sa kasa iyong kotse niyo. May malapit naman dito, e,” offer pa nito. Bahagyang nanlaki ang mga mat ani Zachi. “Oh my gosh, su