Agad ko siyang ibinagsak sa kama niya. Nahirapan pa akong hanapin ang kwarto niya sa laki ng bahay niya. Walang katao-tao. Walang maid at kung sino mang tao. Agad akong naghanap ng first aid kit at tiningnan ang sugat niya. Tinanggal ko ang suot niya at nakita ko ang sugat niyang bumuka. Nasaksak siya kahapon? Lalo akong nakonsensya sa nakita ko. Nilinis ko muna ang sugat niya at nilagyan ng gamot at binalutan agad ito ng tela. Kumuha ako ng maligamgam na tubig at pinunasan ang katawan niya. Parang ang hirap lumunok. Grabe ba ang workout ng lalaking to? Bakit naman sobrang, sobrang hot ng katawan niya? Sinampal ko ang sarili ko. Agad akong umiling. Nababaliw na ako. Wala lang akong kain, tama. *bzzt bzzt* Annett Calling... Kinuha ko ang phone ko at sinagot. "Annett bakit?" bulong k