Inis kong kinuha ang cellphone ko dahil kanina pa ito tumutunog. Napakaaga naman ng tawag nato.
"Hello?" paos na sagot ko. Kanina pa tumutunog ang telepono at wala namang ibang sasagot kundi ako.
[Aika besh!]
"Annett?"
[Yup. Bakit wala kapa sa school?]
"May pasok ba ngayon?" takang tanong ko.
[Gaga! Monday ngayon na-enjoy mo masyado ang linggo besh?]
Napabangon ako at napatingin sa orasan.
[7:30 na! 30 minutes nalang late kana talaga. Bilisan mo!]
"O-Oh sige bye!" papatayin ko na ang tawag nang sumigaw siya ng wait. "B-Bakit?"
[Goodluck!]
Naimagine ko pang may kasamang kindat ang sinabi niyang iyon. Magtatanong palang ako nang bigla ng naputol ang linya. Ang weird.
Mabilis akong kumilos at hindi na ako kumain. Terror ang first subject teacher namin. Ma-late ka lang paglilinisin ka na ng buong garden/Canteen/Field at Swimming pool. Dagdag mo pa ang basketball court. Kaya hindi ako pwedeng ma-late.
Inayos ko ang sarili ko at humarap saglit sa salamin. Sabi ng iba kahit wala akong ayos maganda daw ako. Bilugan ang mata, tamang tangos ng ilong at mapupulang labi. Kinaiinggitan din ng mga kaklase ko ang natural na light brown na kulay ng buhok ko. Titingkad pa lalo ito kapag nasisikatan ng araw.
Okay na sana ang ayos ko, kaso para akong hahabulin ng plantsa sa kusot ng damit ko. Umiling nalang ako at patakbong lumabas ng bahay.
"Ah!" tuloy tuloy akong tumakbo nang tumama ako sa sobrang tigas na tao. Oo alam ko tao, mabango eh. Wala namang mabango na pader. "Sorry po. Sorry." kahit hindi ko alam kung sino ang may kasalanan nag sorry nalang ako at tatakbo ulit nang magsalita ito.
"Did you did that on purpose?" agad umapoy ang katawan kong kanina kalmado.
Ang boses nayon.
Humarap ako sa kanya at inis siyang tiningnan. Siya na naman? Oo siya na naman! "s**t! I told you to not ever show your face in front of me again. You stalking me?" laglag ang panga ko sa kayabangan niya.
"Wow." yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Sinimangutan niya lang ako at umiiwas ng tingin na parang diring diri sa itsura ko. Nakakunot ang noo niya at halatang iritadong iritado ang gwapo niyang mukha.
Gwapo? Did I just said that? Yikes.
"Excuse me. Una. Bakit ko naman sasadyaing banggain ka?"
Kung babanggain kita dapat yung diretso kana sa dagat para di na kita makita.
"Pangalawa. Hindi ko gustong magpakita sayo. At pwede bang hindi tayo magkita kung isa ka sa boarders ng bahay ko?"
Bakit ko gugustuhin kang makita? Nasa katinuan pa ako noh! Kapal nito.
"Pangatlo. Hindi mo ako stalker!" napalakas yata ang sigaw ko dahil lumapit siya ng isang hakbang kaya napaatras ako.
Bakit nga ba nakalimutan kong leader pala ito ng isang gang sabi ni Mika? Na pwede niya akong saktan anytime.
"Are you raising your voice on me?" mahinang tanong niya. Nagtatanong ba to o nangaakit?
Kasi nakaka.. nakakainis!
Taas noo akong nakaharap sa kanya at pasimpleng lumunok. Kahit tumingkayad pa ako hindi ko maaabot ang tangkad niya. Hanggang dibdib niya lang pala ako.
"H-Hindi. Nagpapaliwanag lang ako." sagot ko. "G-Ganon ako m-magpaliwanag."
Gustong gusto ko na siyang sigawan, pero iba ang kilos ng katawan ko o baka takot lang talaga ako?
"Late na ako! P-Pwede mamaya nalang tayo mag usap?" kinakabahang tanong ko dahil 7:45 na at baka masaraduhan ako ng gate.
"You think I wanna talk to you?" nanguuyam na sabi niya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at inis na tumalikod. "Hey ugly face!" anong? Ugly face?! "You dropped this." sisigawan ko palang sana talaga siya nang nakita kong hawak niya ang keychain na bigay sa akin ng ate ko. Bigay niya bago siya mawala. Aabutin ko palang sana ng itapon niya ito sa kung saan.
"You're welcome." blankong sabi niya at cool na sumakay sa motor niyang naka park sa gilid kung saan kami nag-usap.
May motor pala siya, eh bakit siya naglakad? Siya yata yung sumadyang bumangga sakin. Kaasar.
Pinulot ko ang keychain nayon at hinipan. Pwede namang iabot ng maayos diba? Sinipa ko ang isang bato sa gilid sa inis.
*bzzt bzzt*
Mika Calling..
[Oi Aika nasaan ka na? Hindi ka ba papasok?]
"Hindi na. Masakit kasi ulo ko." mahinang sabi ko. Ayoko ng ikwento pa, baka pagtawanan lang nila ako. "Pasabi kay sir pa excuse nalang."
[Eh kahit mag excuse ka absent parin naman ilalagay ng matandang to. Oo nga pala.. may transferee tayo.]
"Talaga?" walang buhay na tanong ko. Naglalakad na ako pabalik ng bahay. Sa isang buong semester, pangatlong absent ko pa lang yata to.
[Actually andito na siya..]
Pagkasabi niya non ay narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto ng room. Sobrang tahimik ng klase. Narinig ko ang boses ni Mr. Gregorio.
['Youre late. Let me tell you, sa klase ko hindi pwedeng--'
'Just shut up and just do your job. Old hag.']
At ang boses ng lalaking sumira ng araw ko!
"K-Kaklase natin si Louie?" gulat na tanong ko at napahinto ng lakad
[Yes. And right now.. Uh-oh. He is sitting at the back of your chair.]
Biglang naputol ang linya pagkasabi niya non. Classmate ko na, seatmate ko pa? At boarder ko pa? Sa sobrang pag iisip ko nadapa ako sa puro putik at naputikan ang mahal kong uniform. Napapikit nalang ako at napahinga ng malalim.
Wala na bang imamalas ang araw na to?
Napapadyak nalang ako sa inis.
--
Heart and Comment ❤