Agad kong tinawagan si kuya at pinuntahan sa headquarters niya. Pulis si kuya kaya alam kong matutulungan niya ako. "Kuya!" napalingon siya sakin at napawi ang ngiti niya. Nagpaalam muna siya sa mga pulis na kausap niya. "Oh bunso. Anong ginagawa mo dito?" hinawakan ko ang kamay niya. "A-Anong problema? Nanginginig ka." hinawakan niya ang kamay ko at inupo ako sa tabi. "T-Tulungan mo ako. P-Pulis ka diba? Kaya mong ayusin to." binigay ko sa kanya ang envelope na may laman na mga dokumento. Binuksan niya ito at binasa. Nanlaki ang mata niya at tumingin sakin. "A-Anong.." "Ipapakulong niya si Louie k-kapag hindi ko siya nilayuan. Gusto niyang makipagbreak ako kay Louie. Kuya pwede naman akong mag pa test diba? W-Wala naman kaming ginagawang masama." mariin niyang binasa ang mga dokument