Mabilis kaming tumakbo at nang makalabas kami ay tumigil ang magandang babae at humarap sa amin. "Stay here. Zico, take care of her okay? Babalik ako. Humingi kayo ng tulong okay?" "Mom.." umiling ang magandang babae at niyakap si kuyang Zico. "I love you mom. Please be safe." tumango ito at mabilis na tumakbo papasok sa loob. Tumakbo kami ng tumakbo. Patuloy lang kami hanggang sa makalayo layo doon. Nakaramdam nalang ako bigla ng paghirap sa paghinga at napahawak ako sa dibdib ko. "K-Kuya h-hindi ako m-makahinga.." napaupo ako dahil hindi na ako makasagap ng hangin. Lumalabo nadin ang paningin ko kasabay pa ng pag iyak ko. "K-Kuyaa.." hinawakan ko ang dibdib ko at dahan dahan napapikit. "Hey, d-dont close your eyes. We'll call for a help okay?" binuhat niya ako at pumunta kami sa isan