Hinila ako ni Louie sa isang bakanteng room at pinaupo ako sa isang silya. "I told you to be careful!" natahimik ako. Hindi ko naman alam kung anong kinagagalit niya. "Tama na Louie. Wala siyang kasalanan." hinawakan siya ni Shin sa braso at pinigilan. "This school is not good for you. I'm going to transfer you--" "Ayoko." inis akong tumayo. "Kakalipat ko palang sa school nato, tapos lilipat na naman? Hindi ba pwedeng mag stay ako sa isang school lang?" iritado niya akong nilingon. "You don't understand!" "Ikaw ang hindi ko maintindihan, wala namang ginagawa sa akin yung mga lalaki kanina. Galit ka lang doon sa lalaki kaya mo ako gustong palipatin." inis na sabi ko. "Dinadamay mo ako sa away niyong dalawa." "What? You fuckin crazy?" inawat siya ni Shin at padabog lang akong tumayo.