"Alam mo simula ng gabing iyon gusto na kitang makita ulit, at noong nakita kita dito sa school pagdating mo. Pinansin agad kita. Natuwa ako kasi nandito ka, pero nagalit ako nang malaman kong nasa panig ka ni Zico." napatitig ako sa kanya. "Bakit ba magkagalit kayo ni Louie?" "Wala namang dahilan, ayaw lang namin sa isat-isa simula ng una kaming magkita." iritado na sabi niya. "Nagsimula iyon nang inutusan ko ang kaibigan ko na kunin ang pambatang relo niya. Ang baduy kasi, lagi niyang suot." natigagal ako sa sinabi niya. Ang sinasabi niyang relo. Binigay ko kay Louie iyon noong bata kami. Ngayon ko lang din naalala ang sinabi sakin ng lalaki sa classroom. Muntik na siyang mapatay ni Louie dahil sa isang relo na pambata. Ngayon ko lang narealized na sakin yung relo. Ako ang nagbigay