Pagkababa niya ng sasakyan ay lumiko siya ng daan. "Teka, hindi diyan ang gate!" sigaw ko. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglakad. Huminga lang ako ng malalim at pumasok. Dumiretso ako ng third subject. Pagpasok ko ng classroom ay bumungad sa akin ang tatlong classmate kong nangunguna sa fansclub ng lalaking iyon. Ang nagunguna sa pambabash sakin sa mga accounts ko. "Pumasok ka talaga huh?" sabi ni Denise ang leader nila. "Hindi ka ba nahiya sa ginawa mo?" sabat pa ni Liza Luminga ako sa buong room at lahat nakatingin sa akin. Wala rin si Annett at Mika. Nasaan kaya ang dalawang iyon? "Wala ang dalawang losers mong friend." sabi ni Jenny. Huminga ako ng malalim. "Hindi ko naman sinasadya na magpost ng ganun." hindi ko alam kung bakit pa ako nag eexplain. Hindi rin naman