"Ako na." pilit kong inabot ang apple sa kanya pero iniwas niya lang ito. "Im fine." ang weird talaga ng isang ito. Simula kanina hindi ako pinapansin. Nasa ospital na kami at kanina niya pa ako iniisnob. "Galit kaba?" hindi niya ako pinansin at nagpatulou sa panonood. Hala galit nga. Lalo niya lang nilakasan ang tv sa sinabi ko. Patuloy siyang kumakagat ng apple at tutok na tutok sa tv. Palibhasa ay nilagyan nalang ng manipis na bandage ang braso niya kaya malaya na niya itong nagagalaw. Ayaw niya daw kasing naka bandage dahil mukha siyang stupid. "Zico galit kaba?" malambing na tanong ko. Natigil siya sa pagkagat at napaawang ang bahagya ang bibig niya. Nakita ko ang paglunok niya at patuloy sa pagkagat ulit ng apple. Aish! Napakaarte talaga nito. "Zico bakit ba kasi? Hmm?" kumun