Nakarating kami ng bahay nang wala siyang imik. Sobrang awkward nga kanina. Mas sanay pa ako kung sisigawan niya ako at murahin. Mas okay pa yon. Sobra niya kasing tahimik at walang imik. Bumaba siya ng sasakyan ng walang imik pero halatang badtrip parin. Bumaba nadin ako at nakita ko si mama sa bungad ng bahay na nag aayos ng mga halaman. "Ma!" tumingin siya sakin at agad itong napanganga. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Ikaw talagang bata ka! Hindi ka lang man nagsabi sakin sa mga pinag gagagawa mo sa buhay! Si Louie pa ang nagsabi sakin kung anong nangyayari sayo!" pinalo-palo niya ako. Louie? First name basis? Close niya si Louie? "Sorry po. Namiss po kita." ngumiti ako at niyakap ulit siya. "Pumasok muna kayo sa loob." tumingin siya sa likod. At kung gaano kabilis nanlaki