"Get off." natauhan ako at nabalik sa sarili sa boses ni Louie. Kanina pa niya ako hindi kinakausap at nalilito na ako dahil sa oras na ito nag iisip ako kung paano maliligtas si Mika. "S-Sige ingat." wala sa sariling sinara ko ang pinto niya. Nahagip ko pa ang nanunuring titig nito bago niya pinaharurot ang kotse. Kailangan kong makausap si Annett. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Sino ba ang mga lalaking iyon? Sila ba ang may kailangan ng tape? Pwede sanang makatulong si Louie kaso galit siya sakin. Paano kung hingiin ko ang tape sa kanya? Ugh. Mababaliw nako! "Iniisip mo ako noh?" napatalon ako sa gulat nang may biglang bumulong sakin. "J-Jake?" "Yes baby?" umiling nalang ako at nagpatuloy sa paglakad. "Ang lalim ng iniisip mo ah." kakikilala palang namin kahapon at sobra na siyang